Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, November 24, 2009

2009 Ampatuan, Mindanao Massacre: Unang Karahasan sa Halalan 2010


"Pagbabago sa Maguindanao!" Ito marahil ang sigaw ng nabalitang tatakbong Bisel Alkaldeng Mangudadatu sa pagka Gobernador at kakalabanin ang nakaupong Ampatuan. Subalit sa araw ng kanyang pagsusumite ng Certificate of Candidacy ay isang madugong masaker ang nangyari na kumitil sa buhay ng 21 katao at maaari pang umabot sa 41 katao. Mga journalist, abogado at kamag-anak ng tagasuporta ito ang mga biktima ng isa sa pinakamadugo, pinaka animal, walang habas, karumal dumal at di makatarungang karahasan sa Halalan 2010.

Isang pagsampal sa demokrasya ang mala barbarong pagpatay at pagmasaker na ito sa makabagong panahon. Hindi rin ito maaaring gawin ng mga tunay na tagasunod ni Mohammad at naniniwala kay Allah. Ang Islam ay relihiyon ng kapayapaan at tila isang pagbastos sa kasagraduhan ng alinmang relihiyon ang kawalang awang ito.

Narito ang ilang pahayag mula sa nilabas na balita ng Pinoy Weekly Online:

Sinamahan ng mga mamamahayag at ng abogadong sina Atty. Concepcion Brinzuela at Atty. Cynthia Joquindo ang asawa, kaanak at mga tagasuporta ni Ismail Mangudadatu sa pagsampa ng huli ng kandidatura bilang gobernaor sa Maguindanao.

Sina Oquendo at Brinzuela ay kapwa miyembro ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Alas-10 ng umaga, nabalitaang hinarang sila sa daan papuntang tanggapan ng Commission on Elections sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Alas-singko na ng hapon nang matagpuan ng mga elemento ng AFP ang mga labi ng mga biktima sa Masalay, Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.

May mga ulat na pinugutan ng ulo ang mga biktima. Natagpuan naman diumano ang mga babaing biktima na nakababa ang pantalon, posibleng biktima rin ng panggagahasa bago pinaslang.

Itinuturo ng AFP na suspek ang mga tagasuporta ni Ampatuan, na makakalaban diuamo ni Mangudadatu sa pagkagobernador sa Maguindanao.
Samantala, hiniling naman ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang impartial na imbestigasyon sa kaso.

Pinapangambahan ngayon ang paglaganap ng clan wars sa lugar ng Maguindanao at magingsa Davao.

Ito ang patunay na ang guns, goons and gold ay patuloy na namamayani sa pulitika ng bansa. Isa itong salot na pumuputakti sa ating malayang lipunan at patuloy na maghahari habang hinahayaang mamayani ang kawalang katarungan at di makataong mga polisiya na iilan lamang ang nakikinabang.

Ayon pa sa balita...

Malapit na kaalyado ni Arroyo ang pamilyang Ampatuan. Naganap ang pamamaslang habang nasa nakikipagpulong diumano si Maguindanao Gov. Andal Ampatuan at Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan sa Presidential Adviser on Political Affairs na si Gabriel Claudio.

Narito ang pangalan ng mga biktima sa nasabing pamamaslang:

Tiamzon-Mangudadatu; Atty. Cynthia Joquindo at ang kanyang ama; Atty. Concepcion Brizuela; Bai Eden Mangudadatu, vice-mayor, Mangudadatu; Rowena Mangudadatu; Manguba Bai Mangudadatu, tiyahin ng vice vice mayor; Farida Mangudadatu, pinakabatang kapatid na babae.

Mula naman sa media ay sina Leah Dalmacio, Gina dela Cruz, Marites Cabutas, Bart Maravilla ng Bombo Radyo Koronadal, Joy Duhay, Henry Araneta ng DZRH Cotabato , Andy Teodoro, Bong Reblando ng Manila Bulletin, Mac-Mac Areola, Jimmy Cabillo at Neneng Montano of DXCP. Kasama rin sa convoy sina Rasul Daud,driver ni Assemblyman Toy Khadafeeh Mangudadatu ; Eugene Dojillo, driver; Wahida Ali Kaliman, pinsan ng nanay ng vice mayor; Farida Sabdula, pinsan; Zorayda Vernan; Victor Nunez, Unto, driver; Zaida Abdul, Pinky Balayman, pinsan; Ella Balayman, pinsan ; Rahima Piopo mula sa Palawan; Farina Mangudadatu; Chito, driver; Abdula Hajji, driver; Patrick Pamansan, driver at Meriam Calicol.

Ito ba ang pambansang seguridad na nais nating ipagpatuloy? Ito ba ang kawalan ng respeto na gusto nating makita?

Sumasama ako sa pagkondena sa kahayupan at barbarikong gawain na ito at nananawagan ng mabilis na katarungan para sa mga biktima sa walang saysay na pamamaslang na ito.

Pagbabago sa ating bansa! Pagbabago sa lipunan! Pagrespeto sa bawat Filipino anuman ang kanyang paninindigan, relihiyon, partido at layunin!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

10 comments:

fesh said...

putang inang mga yan dapat parehong hindi patakbuhin sa kahit anong posisyon ang mga yan.

Shen said...

Dapat talagang ipagbawal ang pagdadala ng baril sa Mindanao at sugpuin ang private armies... hay naku!

eiza said...

meron pbang magagwa ang demonyo n hindi kayang gawin ng tao
oh mas masahol pa sa demonyo ang kayang gawin ng tao..............

chocola said...

yang ampatuang yang ba't sya gumawang karumaldumal na gawain? tapos nabalitaan ko pa sa balita magkakatulong pa sya sa loob ng kulungan dapat mangyari din sa kanya yung mga nangyari sa mga biniktima nya
babuyin din sya gaya ng mga ginawa nya sa mga journalist
dapat sirain din nya sarili nyang buhay... di ba nya alam na may mga nawalan ng mahal sa buhay noon at nawalan din ng karapatang mabuhay pati pag-asa nawala rin yng pag-asang di na sila malalasing sa kapangyarihan o pwesto.
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!

carlene said...

NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!
NO TO AMPATUANSSS!!!!!!!!!!!

carlene said...

oo nga po

carlene said...

yes,yes yohhh

carlene said...

oh yeah!!!!

kaila said...

of course

kaila said...

may tama ka!!!!
bongga!!!