Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, November 16, 2009

Ang Libreng Tuli, Ang Tatoo at ang Pulitika

Nagtanong ang isang ina sa kanyang anak, "Anak, masakit ba ang libreng tuli ni Mayor?"

Sumagot ang anak at sinabing hindi naman daw subalit nagtaka ang ina sapagkat umiiyak ang bata, kaya tinanong niya ito ulit, "Kung hindi masakit, bakit ka umiiyak?"

Sumagot ang anak, "Kasi po nilagyan pa nila ng tatoo at ang haba ng nakasulat."

Ipinakita ng bata ang sinasabing tatoo at nagulat ang ina sa nakasulat, "A Project of Mayor Binay. Ganito kami sa Makati, sana ganito sa buong bansa!"

Isa itong text joke na natanggap ko ngayon lang at napaisip ako imbes na matawa sapagkat sumasalamin ang birong ito sa malimit nating makita araw-araw.

Saan man tayo pumunta ay tinatatakan ng mga pulitiko ang bawat proyekto at ipinagsisigawan na sila ang gumawa nito. Naiisip ko kanino ba talagang pera ang ginagamit sa pagpapagawa ng mga ito? Hindi ba pera ng mamamayan ang ginagamit kaya dapat lamang na ang nakalagay sana ay, "Proyekto ng Mamamayan ng ...." imbes na proyekto ni o "priority project of".

Malimit pa nating makita na ang pinaka obvious at malaki sa lahat ng signage sa isang proyekto ay ang mukha ng mga pulitiko na naka pose at nakangiti pa. Tila ba ayaw nilang malimutan sila ng kanilang mga nasasakupan at ipagkalandakan na kung hindi dahil sa kanila ay wala ang proyektong iyon. Sa totoo naman kung hindi nagbabayad ng buwis ang mga mamamayan ay talagang wala ang mga proyektong iton... kaya hindi natin utang na loob sa kanila ang mga proyektong iyon.

May mga ilang bayan na yatang tila umaalis na sa ganitong sistema at napapagtanto na ang mga proyektong kanilang ginagawa ay proyekto ng mamamayan ng kanilang bayan. Ito ang bagong bansa na ating hinahangad at ito ang mga bagong tagapaglingkod ng bayan.

Bagong Pulitika... Bagong Pulitiko para sa isang Bagong Pilipinas!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: