Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, November 10, 2009

Congratulations Team Philippines 2nd in World Ragnarok Championship

Isang pagsaludo at pagbibigay ng pagbati sa mga kapwa ko gamer sa kanilang pagkapanalo sa Ragnarok World Championship 2009. Ang Ragnarok na isang laro na dala ng Level Up Games ay limang taon na sa Pilipinas at sa limang taon na ito ay napahanga ng mundo ang mga Pinoy na manlalaro. Mabuhay kayo!

Ang mga manlalaro ay kinabibilangan nina Joelson Go, Jayson Go, Mark Anderson Tan, Robert Lee, Ploy Garcia, Xavier Abaya at Rey-an Lopez. Hinarap ng Team Philippines ang pinakamagagaling na manlalaro ng Ragnarok sa buong mundo. Tinalo nila ang Germany at USA upang makalaban ang Japan sa finals.


RWC 2009: Philippines vs Japan Round 1 pre-match


Sa katatapos lang na Level Up! Live 2009 sa World Trade Center, Pasay City noong November 7-8 ay pinarangalan ang mga bagong bayani ng Filipino Gaming sa harap ng libo-libong pinoy gaming fans.

Tunay nga na ang galing ng Filipino ay hindi mapapantayan sa anumang larangan. Mabuhay kayo at karangalan ng mga Filipino ang inyong pagkapanalo.

Sa November 15 ay atin namang aantayin ang isa pang nagbabagang laban, ang panalo ni Manny "Pacman" Pacquiao laban kay Miguel Cotto.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: