Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, November 10, 2009

Halalan 2010 Websites Take 2

Narito po ang ilang mga Halalan 2010 Websites na mapagkukunan natin ng mga kaalaman hinggil sa mga kandidato para sa 2010. Noong July ay naglabas tayo ng ating mga nakitang blogs at websites para sa Halalan 2010 at ngayon ay binalikan natin ulit sila upang muling silipin.

Unahin na po natin ang pinakaunang website na ating dapat puntahan sa anumang kaalaman hinggil sa halalan, ang website ng Commission on Elections (COMELEC). Yun nga lang asahan na medyo mabagal dahil maraming tumitingin at bumibisita.



Narito po ang ating listahan ng iba pang mga websites at sana po ay makatiulong sa inyo ang mga impormasyon nandito.


2010 Presidential Elections | Presidential Candidates | Political Arena - patuloy pa rin akong napapahanga ng mga lumikha ng website na ito sapagkat ngayon ay nabigyan ng pagkakataong magtanong ang mga mamamayan direkta sa mga kandidato at pagkatapos ay makikita ang mga sagot nila ng lahat ng bibisita sa website.


Botomoto.com - Hindi ito tungkol sa mga kandidato kundi sa proseso ng pagboto ngayong 2010. Mahalaga ang blog na ito sapagkat sa 2010 ay ang kauna0unahang automated elections sa Pilipinas at importante na alam natin kung papaano tayo boboto. Salamat sa paglikha sa blog na ito.


bagongbotante.com - Ito naman ang opisyal na website ng Education and Information Department ng Commission on Elections (COMELEC). Naglalaman ito ng mga impormasyon at mga materyales na pwede magamit ng mga organisasyon at iba pang grupo para sa kanilang "Voters Education Campaign". Sa panahon ng canvassing ay dito rin makikita ang mga resulta ng bilangan.



2010 Presidentiables Blog - maganda na sana at informative ang blog na ito kung naging fair lamang at neutral ang blog owner. Naglalaman ito ng mga "no holds bar" na kuru-kuro at opinyon hinggil sa mga kandidato at ang mga sariling pananaw at patudsada ng blogger na si WAWAM. Kasama ring nagsusulat dito ang ilan sa mga supporters ng mga presidential candidates. Malaman pa rin at dapat bisitahin kung gusto mong malaman ang latest sa mga kandidato.


YouthVote Philippines - naupdate na nila ang listahan ng mga presidentiable photos and profiles sa harap ngunit pag pinindot mo ang link menu na "Presidentiables" ay kulang pa rin. Sana nga ay maging updated ito sapagkat malaki ang maitutulong nito lalo pa at sa kabataan sila nakatutok. Kapartner nila sa layuning ito ang GMA 7 at maging ang ABS-CBN at iba pang nasa tri-media. Sa ngayon ay isang information only site ito at walang user interaction.


Halalan 2010 - The Election Campaign - para naman sa mga pinakabagong ulat at balita ukol sa Halalan 2010 na mula sa blogosphere ito ang isa sa nagtataglay ng pinakasariwa at mga pinaka updated na balita at usapin na dapat nating tutukan.


Halalan 2010 - isang site na may balita at forum para sa Halalan 2010. Mukhang marami ang gustong makakuha ng hits dahil malapit na ang eleksyon. Magandang sumama sa mga usapan sa forum na ito pero sana rin maging updated at open sa lahat ng kandidato.



Eleksyon - ang unang pahinang makikita mo ay malalaking larawan ng mga kumakandidatong pangulo na naka link sa kanilang profile at pwede ninyong iboto at suportahan. Yun nga lang hindi rin updated at hindi kasama ang lahat ng kandidato.


Pinoy Vote - isa pang malaman na website na sana ay maupdate at mas mapunuan pa ng hitik na impormasyon. Sa darating na mga araw ay malamang mas magiging malaman pa ang website na ito. Madaling basahin at malinis ang layout.

Abangan din po ninyo ang 2010 Elections Database na ilulunsad ng Brotherhood of Destiny (BROOD) sa pakikipagtulungan ng Filcode, Inc. at Philippine Internet Users Society (PIUS).


Sana po sa pamamagitan nito ay natulungan namin kayo na mas makilala pa ang mga kandidato at makapili kayo sa Halalan 2010. Sana rin po ay makatulong ito para magabayan kayo sa inyong pagboto.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

mauven p. fernandez said...

sana manalo si noynoy bilang presidente..at si mar bilang vice president....kasi sila lang ang nakita kong nag-poporsige....?