Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, November 19, 2009

Huwag Ilaglag sa COMELEC "Ang Ladlad"


Wala raw karapatang sumali sa party list ang "Ang Ladlad" dahil sabi ng COMELEC “this petition is dismissible on moral grounds” (ang petition ay hindi nararapat na pahintulutan dahil sa ilang usaping pang-moral). Immoral daw ang partido at sa kabuuan ay immoral ang LGBT at walang lugar na lumahok sa sektor na dapat maisama sa party list at sa kongreso. Tama ba ang aking naririnig? Di ba nasa makabagong panahon na tayo at tanggap na ang LGBT o Lesbian, Gay, Bisexuals and Transexuals?

Sinabi pa sa hatol ng COMELEC na “petitioner tolerates immorality which offends religious beliefs” (pinaparayaan/pinapayagan ng petitioner ang imoralidad na nakasisira sa mga relihiyong paniniwala) kasabay ang pagbanggit ng ilang talata mula sa Bibliya at sa Koran. Binanggit din sa nasabing hatol na “we cannot compromise the well-being of the greater number of our people, especially the youth” (hindi natin maaring ilagay sa alanganin ang kapakanan ng maraming tao, lalu na ng mga kabataan)

Ito ang ilan sa mga talatang labis na nagbigay ng hinanakit at sakit sa mga miyembro ng sektor ng LGBT. Ito rin ang dahilan na pinuna ng website na "Diversity and Equality Philippines" na sinabi pa na nag-iisip na ang sektor na i-boycott ang halalan.

Ano ang karapatan ng COMELECT na magdesisyon batay sa mga bagay na ito gayong may pagkakahiwalay ang estado at ang relihiyon. Isang lehitimong sektor ang LGBT ayaw man natin tanggapin ito. Dumarami na ang mga kasama sa sektor na ito at karamihan sa kanila ay dumaranan ng diskriminasyon at iba't-ibang di makatarungang pag-abuso. Isa silang sektor na karapat-dapat masama sa party list sa 2010.

Kung immoral ang mga LGBT hindi ba mas immoral ang magnakaw ng kabang kabang pera ng bayan? Dahil ba LGBT ka ay ikaw ay immoral na at nagpapalaganap ng mga immoral na gawain?

Ito ay isang paglabag sa karapatan ng bawat mamamayan sa parehong pagturing sa batas. Ito rin ay paglabag sa karapatan sa representasyon at oportunidad na makasama sa paghubog ng ating lipunan.

Anuman ang kasarian ay dapat silang bigyan ng pantay na pagtingin. At sa desisyon ding ito pa lamang makikita na kung bakit mahalaga na mabigyan sila ng representasyon sa party list.

Dapat ding humingi ng paumanhin ang COMELEC sa di makatwirang pagtaguri sa mga miyembro ng sektor na ito. Sila ay Filipino rin at kasama sa mga umuukit ng ating lipunan.

Mahiya naman kayo!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Anonymous said...

i like this blog

Shen said...

Thanks! I hope more people read this blog and then contribute. We are all Filipinos and we must together build a country we can all be proud of.