Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, November 26, 2009

Infomercials are Legal and There is No Such Thing as Premature Campaigning

Legal ang mga infomercials at walang matatawag na premature campaigning. Ito ay base na rin sa pinalabas na desisyon ng Supreme Court sa boto na 8-7 sa desisyon sa kasong idisqualify si Santa Monica, Surigao del Norte mayor Rosalinda Penera nang magkaroon siya ng motorcade pagkatapos niyang magfile ng kandidatura noong eleksyon ng 2007.

Sinabi ng Supreme court na ang kandidato ay nagiging kandidato lamang sa simula ng "campaign period." Ayon sa nakuha nating balita...
“The essence of the decision is that any candidate will only be considered a candidate at the start of the campaign period. Any unlawful acts or omissions shall take effect only during the start of the campaign period," Marquez said in a phone interview with GMANews.TV.

“Therefore, there is no unlawful act or omission before the campaign period. In effect, there is no such thing as premature campaigning," he added.

Sa desisyong ito nabago ang pananaw sa batas at sa mga commercials na lumalabas sa tv. Ngayon ay masasabi nang legal ito. Sa isang banda pa pinalala nito ang sistemang pulitikal sapagkat binigyan nito lalo ng pagkakataon na makapangibabaw ang "popularity based" at "personality based" na pulitika sa ating bansa.

Kung mapera ka at may kakayahang maglagay ng mga infomercials ay malaya mo na ngayon itong magagawa ng walang pananagutan sa batas samantalang ang mga walang kakayahan naman ay maaaring maiwan sa ere.

Paiigtingin nito ang eleksyong hindi sa plataporma tumitingin kundi sa pagandahan ng mga patalastas.

Sa kabila nito ay naniniwala pa rin ako sa kakayahan ng ating mamamayan na tingnan ang mga kandidato sa likod ng kanilang mga infomercials at hindi rin papasilaw sa pera.

Matagal nang naghihirap ang ating bayan at nangangailangan na ng isang lider na tunay na nagmamalasakit para sa atin at sa ating bansa.

Sa isang banda naman ay maganda rin ito sapagkat pwede ring mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng kandidato na maipaliwanag ang kanilang plataporma sa tao at mapalapit sa kanila.

Sana nga lang ang tamang lider ang manalo nang sa gayon ay umunlad na ang ating bansa.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: