Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, November 23, 2009

Video Isang Tanong: Meet the Presidentiables Part 1, Alamin ang Katotohanan

Narito po ang video capture ng ISANG TANONG: The GMA News and Public Affairs Presidential Forum. Ito po ay ipinalabas noong Linngo, November 22, 10:45pm pagkatapos ng Show Me the Manny. Ang ikalawang bahagi naman ay ipapalabas sa ika-28 ng Nobyembre sa parehong oras.

Humarap ang mga tatakbong pangulo sa isang panel ng mga eksperto upang sagutin ang isang tanong na galing sa iba't-ibang sektor. Kasama sa panel na ito sina Mel Tiangco, Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales, Winnie Monsod at Howie Severino.

Humaharap naman sa bayan ang mga tatakbong pangulo na sina Nicanor "Nick" Perlas, Noynoy Aquino, Manny Villar, JC delos Reyes, Eddie Villanueva, Erap Estrada, Gilbert Teodoro, at Bayani Fernando.
Layunin ng forum na ito na mas makilala pa ng mga botante ang mga tumatakbo at naghahangad na susunod na pangulo ng ating bansa.



Abangan sa susunod na Linggo November 29 sa ganap na 10:45pm pagkatapos ng Show Me The Manny.  Magtatanong naman ang bawat kandidato sa bawat isa.

Sa mga gustong magdownload ng video narito ang instruction:

1. Pumunta kayo sa www.forinside.com
2. Ipaste at idownload ang mga sumusunod na link gamit ang downloader (pwede sya madownload ng mas mabilis at HIGH QUALITY na MP4, 3GP o FLV)

Part 1 - http://www.youtube.com/watch?v=GeTNXixA8yk
Part 2 - http://www.youtube.com/watch?v=V5Wef3GFGN4
Part 3 - http://www.youtube.com/watch?v=d4eqaoTkqpA
Part 4 - http://www.youtube.com/watch?v=AQ2cYE8NxMQ
Part 5 - http://www.youtube.com/watch?v=sgBFiJsYXQM
Part 6 - http://www.youtube.com/watch?v=fMQNP6xiCOM
Part 7 - http://www.youtube.com/watch?v=iiAoPHjAS-M
Part 8 - http://www.youtube.com/watch?v=nBrrq_YyBec
Part 9 - http://www.youtube.com/watch?v=-y-BYabo98w
Part 10.1 - http://www.youtube.com/watch?v=KBkPwjlxtDU
Part 10.2 - http://www.youtube.com/watch?v=KNWAMuVn0F4

3. Sundin lang ang mga instructions sa website.

Sana ay matulungan kayo para makapili ng nararapat na kandidato sa 2010.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: