Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, November 20, 2009

John Carlo Masajo: Alternative Candidate for Councilor in Cainta


Dumarami ang mga kabataang naghahangad na maglingkod sa ating bayan sa kabila ng sinasabi ng marami na dapat may pera ka para maging isang pulitiko. "Isang Cainta na may matatalino, responsable at mapagkakatiwalaang mga lider na maglilingkod para maisulong ang pag-unlad at kapakanan ng mga taga-Cainta," iyan ang pangarap ni John Carlo Masajo para sa bayan ng Cainta.

Ilan sa kanyang mga plataporma ang mga sumusunod:

EDUKASYON PARA SA LAHAT. Naniniwala siya na ang education ay karapatan ng bawat mamamayan. Nakipaglaban siya sa loob at labas ng paaralan upang isulong ang libre at de kalidat na edukasyon. Ito ang kanyang pangunahing isusulong para sa mga kabataan ng Cainta. Bilang tugon dito ay isusulong niya ang Community College Ordinance at ang Specialized High Schools Ordinance.

KABUHAYAN AT TRABAHO. Isusulong din daw niya pag nanalo ang mas maraming oportunidad para makahanap ng trabaho ang mga taga Cainta at kabilang na rito ang pagpupursige para sa pagpapalaganap ng "Entrepreneurship." Isa sa layunin niya ang makapagpasa ng isang "Enterprising opportunities Ordinance" at "Tax Relief for SMEs."

PALAKASIN ANG SEKTOR NG KABATAAN. Isusulong din niya pag nananalo ang isang mas aktibong kabataan ng Cainta na magiging bahagi sa pagsulong hindi lamang ng kanilang bayan kundi ng bansa. Isusulong niya ang pagkakaroon ng mga "Sitio Youth Councils".

Naging Tagapangulo siya ng Alyansa ng Kristiyanong Lakas (AKLAS!) mula 2007 – 2008, miyembro rin siya at naging opisyal ng Union of Catholic Studen Councils at CoConvener ng Sigaw ng Bayan Movement noong 2005 at Tagapangulo ng Youth for Peace and Development (Y-PAD) mula 2005 hanggang 2006.

Itinuturing natin na isang tunay na pag-usbong ng bagong pulitika at pagpapalakas sa sektor ng kabataan ang pagkakaroon ng mga kandidatong ang isinusulong ay tunay na paglilingkod sa mamamayan.

Mabuhay ka JCM at good luck sa iyong kampanya!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: