Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, November 22, 2009

Mabuhay ka Efren Peñaflorida, CNN Hero of the Year 2009


Efren Peñaflorida,, CNN Hero of the Year 2009. Isa na namang Filipino na nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Ang kanyang paaralan sa kariton at samahang nagpabago sa libo-libong kabataan ang siyang binigyang pansin ng CNN upang hirangin siyang bayani para sa taong ito.



Tatangap si Peñaflorida ng US$100,000 na tulong upang maipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan sa Dynamic Teen Company. Ang kanyang pagkapanalo ay bunga ng pangunguna sa online voting na ginawa sa CNN.com na kung saan may 2.75 million ang bumoto.

Ipinahayag ni Anderson Cooper ng CNN ang pagkapili kay Peñaflorida sa ginawang Pagatlong Taunang "CNN Heroes: An All-Star Tribute" na ginanap sa Kodak Theatre sa Hollywood noong gabi ng Sabado, Nobyembre 20, 2009.

Ang nasabing parangal ay isinagawa sa harap ng may 3,000 manunuod sa Kodak Theatre at ipapalabas naman sa November 26 p.m. ET/PT sa CNN.

Tunay na huwaran ng bawat Filipino ang isang Efren Peñaflorida at sana ay matuto tayong lahat sa kanya. Kayang kamtin ang pagbabago at kayang gumawa ng mga bagay na akala natin ay imposible. Ang kailangan lamang ay paninindigan at pagkilos para ito ay maabot.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: