Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, November 3, 2009

Manny Villar - Loren Lagarda sa 2010

Sumingaw na ang balita at ito na nga po ang katotohanan. Sina Sen. Manny Villar at Sen. Loren Legarda ang magtatambal para sa Pangulo at Panagalawang Pangulo sa Halalan 2010.

Nagkaroon diumano ng isang "tactical alliance" ang Nacionalista Party at Nationalist People's Coalition para sa darating na halalan. Ayon pa sa mga sources na nagkumpirama sa "At Midfield", isang online blog, inihahanda na ang pagpapakilala sa tambalan at proklamasyon kasama ang buong listahan ng mga senador na kasama nila.

Isang kakatwa itong pangyayari kung totoo nga sapagkat hindi ba isa si Loren sa mga kumukwetiyon kay Villar sa masalimuot na "C5 Double Insertion Scam". Ito rin para sa akin ang patunay na sa labanan ng pulitika sa Pilipinas hindi prinsipyo ang pinag-uusapan kundi ang pagsusulong ng kanya-kanyang interes.

Nasaan na ang paninindigan ni Legarda. Sabagay hindi lamang naman si Legarda ang nakikipagsanib kay Villar maging ang ilang taga Lakas-Kampi ay tumalon na rin ng bakod.

Alam ko na hindi bulag ang mga Filipino sa mga ganitong bagay at alam ko rin na magdedeisyon ng tama ang buong bayan sa 2010. Wawasakin na ng mamayan ang kadena sa kanyang mga kamay at tatanggalin ang piring sa kanyang mga mata.

Sayang si Sen. Legarda. Tila nawala na ang pagkatao niya na aking hinahangaan noong mga nagdaang eleksyon.

Para sa kabuuan ng pagsasanib pwersa nila basahin ang, "NP’s Manny Villar Teams Up With NPC’s Loren Legarda."

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Anonymous said...

hindi importante kung sino ang kapartido nya ang importante ung magagawa nya sa bansa..

NPC backs Loren’s VP bid

A RANKING official of the Nationalist People’s Coalition yesterday formally endorsed Sen. Loren Legarda as the party’s official vice presidential candidate in the May 2010 elections.
In a press statement, NPC spokesman and Rep. Rex Gatchalian of Valenzuela City urged party mates and voters to rally behind Loren, citing her pro-poor and pro-environment platform.
“Senator Legarda has been at the forefront in the fight against poverty,” Gatchalian said, citing particularly to alleviate the plight of Overseas Filipino workers.
“She is also behind Luntiang Pilipinas, a movement which she found to promote public awareness on what’s happening to our environment, how to protect and preserve it. For this, the United Nations has named Senator Legarda as environment champion.”
Gatchalian also noted that Loren is the principal author and sponsor of the Philippine’s Climate act of 2009, which seeks to install measures to cushion the ill-effects of climate change.
“We salute the senator,” he said.

Know more about Loren
http://www.lorenlegarda.com.ph/

Ama said...

Yeah i believe so, hinde naman importante kung sino ang kapartido nya, alam na tin na isang mahusay na senadora si Loren Legarda..Go Senator Loren Legarda, susuportahan ka pa rin namkin kahit na anong paninira ang gagawin nila...