Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, November 23, 2009

Nicanor Perlas at Chiz Escudero sa 2010

Nicanor Perlas for President at Chiz Escudero for Vice President iyan ang aking napipisil para sa Halalan 2010. Maliwanag ang dahilan kung bakit si Nicanor "Nick" Perlas ang sinusuportahan ko, ito ay hindi dahil sa kanya kundi dahil sa mga bagay na kanyang dinadala gaya ng bagong pulitika, kalikasan, kultura at plataporma para sa pagkakapanganak ng isang bagong Pilipinas na ikararangal nating lahat. Tayong lahat ang solusyon... iyan ang basehan ko.

Bakit naman si Chiz Escudero? Maliwanag ang mga hangarin at prinsipyo ni Sen. Chiz Escudero bagama't masasabi nating hindi pa rin siya nahihiwalay sa tradisyunal na pulitika sapagka't doon siya nahalal ay nadadala siya ng kanyang prinsipyo at ideyalismo sa tahakin ng bagong pulitika. Pagpapahalaga sa manggagawa, sa kabataan at pagsusulong ng sistematikong pagbabago. Iyan ang nagustuhan ko sa kanya.

Kung magkakataon isang malakas na tamabalan ang Perlas-Escudero. Pareho silang tumatakbo para sa bagong pulitika at sistematikong pagbabago ng mga natural na kalagayan ng lipunan. Pareho rin silang may "political will" at handang manindigan ayon sa kanilang mga prinsipyo.

Si Nicanor Perlas ay hindi man kasinggaling magsalita ni Escudero dahil hindi talaga siya isang pulitiko sapagka't isa siyang aktibista na nakikisalamuha sa mga magsasaka, lumads, katutubo at iba pa upang alamin ang kanilang mga saloobin at sa pamamagitan niya ay pinag-iisa ito upang maisulong ang kanilang adhikain. Isa siyang pangulo na handang makinig at manindigan.

Si Chiz Escudero ay isang pulitiko na bukas ang pag-iisip. Namumulat sa mga katotohanan ng lipunan at handang iwan ang mga nakagawian ng tradisyunal na pulitika upang isulong ang isang pulitika na tunay na magsusulong sa karapatan at kagalingan ng bawat Filipino.

Nananawagan ako kina Nicanor Perlas at Sen. Chiz Escudero na magkaisa at magkasamang ipaglaban at isulong ang tunay na adhikain at kapakanan ng mamamayang Filipino.

Sa 2010 kay Nicanor Perlas ako sa Presidente at kay Sen. Chiz Escudero sa pagka Bise-Presidente.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: