Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, November 24, 2009

Panahon na Para sa Kapayapaan: The Peace Wall

Napapanahon ngayong araw na ito na makita nating lahat ang "Peace Wall" na ginawa ng mga kasamahan at sumusuporta sa layunin ng Generation Peace Network (GenPeace) kung saan ako at ang Brotherhood of Destiny (BROOD) ay kaisa. Sa nanyaring masaker sa Mindanao tila ito ang isa sa dapat nating makamtan at tila mailap pa rin hanggang ngayon.




Ang panawagan ng kapayapaan ay matagal ng umaalingawngaw sa kawalan. Sabi nga ng kantang "Mapayapang Mundo"...

"Pag-ibig sa sarili dalhin sa kapwa mo. Pagmamahal sa bayan dalhin mo sa sanlibutan. Mapayapang isip, mapayapang tao, mapayapang bayan ay mapayapang mundo. Hindi na kailangan ng digmaan. Hindi na kailangan ng hidwaan. PAG-IBIG LANG ANG KAILANGAN!"

Tunay nga na pag-ibig lang ang kailangan. Respeto sa kapwa tao. Respeto sa paniniwala at respeto sa iyong sarili.

Narito ang ilang kuha mula sa Peace Wall at nawa ay isapuso natin ang mensahe nito. Matatagpuan ito malapit sa Peace Bell, Quezon Memorial Circle, QC.

"The Peace Wall is the youth's collective aspiration for peace. It is both a challenge and a commitment to building a just and sustainable peace. Gathered from more than 100 different youth organizations. The Peace Tiles enshrined in this Wall celebrate our unity in the diversity of cultures, faiths and perspectives."


 Kapayapaan sa Mindanao! Kapayapaan sa Pilipinas! Iyan ang panawagan nating lahat!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: