Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, November 9, 2009

Suportahan ang Pagpigil sa Laiban Dam Project

Para bang hindi na natuto ang ating pamahalaan at ang ilan pang negosyante sa epekto ng malalaking dam at ng pagwasak sa kagubatan at iba pang kalikasan na nakapalibot dito. Ang Laiban Dam Project ng MWSS at San Miguel Bulk Water Co. ay isa na namang pagpupursige ng kapitalistang interes laban sa interes ng kalikasan at ng mamamayan. Isa itong proyekto na hindi na dapat ituloy at bagkus ay umisip ng ibang paraan para maresolba ang krsis sa tubig.

Sumusuporta po kami sa Lakad Laban sa Laiban Dam na lalahukan ng iba't-ibang samahang pangkalikasan na maglalakbay ng may 148 kilometro mula General Nakar, Quezon hanggang sa Malakanyang. Ang labang ito ay hindi lamang para sa mga maaapektuhan sa Tanay, Rizal kundi maging sa lahat ng nakikinabang sa bundok ng Sierra Madre.


Lakad Laban sa Laiban Dam... Samahan! Suportahan!


Kabilang sa mga tumututol sa 50-bilyong proyektong ito ang mga miyembro ng Save Sierra Madre Network (SSMN), Pambansang Kilusan ng Samahang Magsasaka (Pakisama), at ang Freedom from Debt Coalition (FDC). Tinatayang may 4,500 pamilya ang mawawalan ng tirahan dahil sa Laiban Dam.

Tama bang dahil lamang sa pangangailangan ng tubig ay magsakripisyo ang libong pamilya. Hindi ba natin alam na ang tunay na pinanggagalingan ng malinis na tubig ay ang mga bundok at puno na nananatiling namumukadkad at nakatayo sa mga lugar na ito.

Pakisama’s Jon Sarmiento said it is ironic that the dam will supply water in Metro Manila but poses danger to three Quezon provinces – Infanta, Real, and Nakar – in case it collapses.

“Ito ay proyektong negosyo at hindi serbisyong publiko (This is business and not meant for public service)," ayon kay Jon Sarmiento ng Pakisama. Habang makikinabang ang Maynila sa tubig ay manganganib naman ang mga bayan ng Infanta, Real at Nakar sa Quezon kung sakaling bumigay ito o magpakawala ng tubig.

Bantayan ang kalikasan at isulong ang makakalikasan at makabansang adhikain sa 2010!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: