Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, November 19, 2009

Tama na sa Walang Habas na Pagmimina! Iligtas ang Mindoro!

Tila patuloy ang pagwawalang bahala sa ating kalikasan at sa kapakanan ng mamamayan. Sa kabila ng patuloy na pagkawasak ng kalikasan ay patuloy na dumarami ang mga inaaprubahang minahan sa ating bansa at isa na rito ang sa Victoria, Oriental Mindoro. Kahit pa kinansela na ni DENR sec. Atienza ang ECC ay hindi lingid sa ating kaalaman na magpapatuloy ito kung hindi sa Mindoro ay sa iba pang lugar.


May 200,000 katao ang nagpoprotesta sa laban sa Intex Resources para minahin ang may 11,216.6 ektaryang lupa sa Mindoro. Ang protesta ay pinagungunahan ng Alyansa Laban sa Mina (ALAMIN, Alliance Against Mining) at kabilang dito ang mga katutubo sa lugar.

Nag hunger strike at patuloy na maghunhunger strike ang may 25 na MindoreƱos na karamihan ay Mangyan upang mapakinggan ang kanilang mga kahilingan at sa wakas ay mabigyan ng mas marangal at magandang bukas na ligtas sa sakuna ang kanilang lugar.

Magpaptuloy ang mga ganitong senaryo at kalagayan kung hindi natin babaguhin at susuportahan ang pagbabago sa isang sistema na pera at kawalang pakialam sa kalikasan ang pinapairal.

Maliwanag na isang kandidato na rumerespeto sa kalikasan at naniniwala sa sustainable development ang dapat manalo sa 2010. Kasama na rito ang sa pinakamataas hanggang sa mga lokal na puwesto.

Sumusuporta ako sa pagkilos na ito at nananawagan sa agarang panmgmatagalang solusyon sa problema ng mga MindoreƱo. Sa iyo JonJon at sa mga kasamahan mo huwag kayong susuko sapagka't tunay na makatwiran ang inyong ipinaglalaban.

Bumisita sa BLOG na ito upang alamin ang iba pang detalye.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: