Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, December 14, 2009

Ang Aking Senador ay si Yasmin Busran-Lao (My Senator is Yasmin Busran-Lao)

Patuloy ako sa paghahanap ng iboboto sa Halalan 2010 para sa Senado. Isa sa mga nadagdag sa listahan ko ay si Yasmin Busran-Lao. Pangatlo na sana siya pero umurong si Teddu Casino kaya dalawa pa lang sila ni Risa Hontiveros.

Isa sa pangunahin kong dahilan ng pagpili kay Yasmin Busran-Lao ay sapagkat siya ay sumusuporta sa isyu ng kapayapaan sa Mindanao at sa karapatan ng kababaihan at isa rin siyang Muslim.

Para sa akin ang representasyon ng kababaihan at ng mga Muslim sa Senado ay dapat madagdagan lalo pa kung ang kandidato ay isang tao na tulad niya na may malawak na karanasan at alam ang kanyang pinaglalaban.

Sa isang artikulo ng "Truth Force! Mobilizing Truth for Integral Sustainable Development (ISD)" ipinakita ang naging pakikipaglaban ni Yasmin sa buhay kabilang na rito ang karapatan ng mga bata at kababaihang Muslim. Naging ehemplo nya ang integridad at dedikasyon ng kanyang ama na naging kauna-unahang Muslim na Hukom ng Court of Appeals.

Isa sa mga mahahalagang nagawa nya ay ang pagtatayo ng Al-Mujadilah Development Foundation (AMDF) noong 1997. Ito ay buhat sa inspirasyon sa isang "verse" mula sa Qur'an, Al-Mujadilah (Qur'an verse 58), na ang ibig sabihin ay "The Woman who Pleads," "The Woman who Seeketh (Justice)," o "The Woman who Disputeth."

Ito para kay Yasmin ay kumakatawan sa [pakikipaglaban ng mga babaeng Muslim para sa kanilang karapatan at kalagayan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa sarili nitong kultura at tradisyon. Nais ding gawing popular ng Foundation na ito ang "Code of Muslim Personal Laws" o P.D. 1083.

Isang huwarang Filipino, isang huwarang kababaihan.

Iyan ang aking senador, Yasmin Busran-Lao

Samahan siya sa Facebook at maging TAGASUPORTA.

Ang Mga Senador ko ay sina...

1. Risa Hontiveros
2. Yasmin Busran-Lao
3. Gen. Danny Lim
4. Neric Acosta
5. Liza Masa
6. Satur Ocampo
7. Alex Lacson
8. Sonia Roco
9. Pia Cayetano
10. Ariel Querubin
11. JV Bautista
12. Adel Tamano

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: