Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, December 30, 2009

Ang Hinaing ni Andres Bonifacio sa Facebook at sa mga Kandidato

Habang nagmamasid sa Facebook Profile ni Andres Bonifacio ay natisod ko ang kanyang sinulat na hinaing at pananaw na pinamagatang, "Bakit may Facebook?"

Narito ang kanyang sinulat...

Sa nakaraang araw, ako'y bumisita sa mga Facebook kung tawagin ng iba't ibang kandidato sa pagka-pangulo. Kakaiba ang aking nasilayan. Ang dami palang Pilipino na nasa Facebook na. Napaisip ako, dahil sa dami ng nagkokomento sa Facebook ni Noynoy, Manny Villar at Gibo, ano kaya ang mga trabaho ng mga taong hindi matapos sa pagsagot ng mga naglalathala sa tinatawag nilang 'wall.'

Bagama't bago ang Facebook sa akin. Hindi ko akalaing madali pala itong gamitin. Madali ring abusuhin.

Sa Facebook ng pinaka-sikat na kandidato sa pagka-pangulo, ako'y nasigawan, tinatawanan at iniinsulto. Sa tingin nyo tama ba ito? Nagulat ako dahil ako ay naglalathala lang namin ng mga bagay-bagay na naglalaro sa aking isipan.

Natanong ko ang sarili ko, kung buhay pa talaga sina Rizal at Bonifacio? Ano ang sasabihin nila sa mga pangyayari ngayon?

Sino ba ang tama? At sino ba ang mali?

Malamang kaya hinding hindi aasenso ang ating bansa dahil may mga taong nagmamarunong at akala'y sila lang ang magaling.

Ang kailangan natin ang isang pinuno na makakapag-isa sa ating lipunan. Ang mga nagkasalanan ay dapat parusahan pero dapat din silang patawarin. Ang isang lipunan na matatag ang demokrasya ay nagbibigay halaga sa bawat tao, dahil sa bandang huli, lahat tayo'y isang lahi, isang pamilya.

Ang halalan ngayong darating na 2010 na marahil ang isa sa pinakamahalagang yugto sa ating kasaysayan. Napag-iwanan na tayo ng mga karatig bansa natin. Ang Vietnam, Malaysia at Indonesia ay nag-aarangkada na ngunit tayo dito sa Pilipinas mukhang nakagapos pa rin sa lumang pulitika at pag-iisip.

Napa-isip ako ulit. Sino ba talaga ang dapat mamuno, isang tao na magaling at matalino pero kaduda-duda ang intensyon, isang galing sa magaling at matalinong pamilya ngunit wala pa namang napatunayan, isang pastor na nakapagbigay sigla sa kanyang komunidad, isang dating mayor na mainitin ang ulo, o isang masipag at ma-tiyaga na mayaman na nagkukunwaring galing sa mahirap.

Kung ako ang tatanungin nyo, ang kinabukasan ng ating bayan ay wala sa kanila - ito ay nasa kamay ng bawat isa sa atin. Hindi ko lubos maisip bakit ang mga Koreano at Intsik ay napag-iiwanan na tayo. Sa aking pagmamasid, aking nasilayan na ang mga may kaya sa ating bansa ay halos walang paki-alam sa mga napag-iwanan. Hindi pinapansin ng mga may meron ang mga walang-wala sa buhay. Bakit nagka-ganito?

Hindi ko ito masasagot. Patuloy akong magmamasid sa mga kandidato sa pagka-pangulo. Sana isa sa kanila ang makakasagot nito.

Paalam,

Ka Andres.

Mula sa Facebook Notes.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: