Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, December 29, 2009

Ang Pagbabalik ng Casa Vallejo sa Baguio

Mabuti na lang at may mga mabubuting nilalang pa na nakakaunawa ng kahalagahan ng ating kultura at mga "heritage sites" dito sa ating bansa. Isa na rito ang Roebling Corp na kung saan lawyer nito si Rob Valmora. Muntik ng  baguhin at burahin sa mapa ng Baguio ang Casa Vallejo subalit ng makita nila ang malaking parte nito sa kasaysayan ay nagdesisyon silang ibalik ang dating ganda nito at panatilihin itong bahagi ng kasaysayan ng Baguio.

Sa loob ng nagdaang 12 taon ay napabayaan ang Casa Vallejo. Ito ay matapos na ibigay sa Department of Natural Resources (DENR) at sa National Resources Development Corp. (NRDC) ang pamamahala ng may 2,160 metro kuwadradong lupain na matatagpuan sa sikat na Session Road ng Baguio.

Basag ang mga salamin, nabubulok ang sahig at tila isang haunted hause, iyan ang kalagayan ng Casa Vallejo sa pamamahala mismo ng pamahalaan na tila patuloy na walang pagmamalasakit sa ating kultura.

Lingid sa kaalaman ng marami ang Casa Vallejo ay nagsimula bilang Dormitory 4 at tirahan ng mga empleyado ng Bureau of Public Works noong 1920 sa ilalim ng Pamamahala ng Estados Unidos noon sa Pilipinas.

Noong 1927 ay inupahan ni Salvador Vallejo ang lugar at ginawang isang sikat na hotel. Isa si Vallejo sa mga pinakaunang negosyante ng Baguio na nagpakinang dito at nagpayabong bilang Summer Capital ng Pilipinas.

Ang Casa Vallejo ay isa sa dalawang istruktura ng Baguio na hindi napasama sa pambobomba ng mga Hapones noong 1941, ang isa pa ay ang Baguio Cathedral.

Sa pagbubukas ng 2010 ay muling masisilayan ang ganda ng Casa Vallejo na mayroong 24 rooms, orihinal na mga istruktura tulad ng pinewood na sahig, mga bintana at iba pa. Pamamahalaan din ito ng mga taong likas na taga-Baguio.

"Ginawa namin ang lahat upang mapanatili ang orihinal na itsura at kagandahan ng Casa Vallejo. Ginamit namin ang mga orihinal na bintana at istilo ng bubong. Ang bawat "pine wood" dito ay may kasaysayan na nais naming ibalik sa Baguio," pagtatapos ni Atty. Valmora.

Reference: "Baguio's Casa Vallejo Restored". by Vincent Cabrera, Philippine Daily Inquirer. December 26, 2009

Website: www.casavallejobaguio.com

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: