Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, December 22, 2009

Ang Pagpapahirap sa BAGONG PULITIKA ng COMELEC

Sa December 28, 2009 ay diringgin na ng COMELEC ang petisyon ng kampo ni Nicanor Perlas upang aprubahan ang Certificate of Candidacy nito sa pagka Pangulo. Ito ay isang linggo o 7 araw pagkatapos na magsumite si Perlas ng "appeal of opposition" sa desisyon ng COMELEC na ibilang siya bilang isang nuisance candidate.

Nakakapagtaka para sa akin kung bakit ganun katagal bago dinggin ang petisyong ito. Hindi ba nagkukumahog na rin ang COMELEC sa pagimprenta ng mga balota? Hindi kaya plano nilang gamitin si Perlas upang magkaroon ng delay sa balota at hindi matuloy ang halalan sa Mayo? Grabe na ito kung grabe! Una, tinanggal ang kandidatong may pinaka kumpletong plataporma tapos pagkatapos ay tila pinahihirapan pa siya ay ang Bagong Pulitika at baka pa nga siya pa ang sisihin nila kung hjindi matuloy ang halalan.

Anong klaseng Commission on Elections ba meron tayo? Bakit nila nagawang payagan ang isang kandidato na dati nang nakulong dahil sa kasong plunder at bakit tila ang tingin nila sa halalan ay labanan lamang ng mga may pera.

Sabagay sa COMELEC nga bawal pumasok ang mga naka tsinelas lamang eh. Isipin mo napahiya ang aming mga kasamang urban poor leaders nang sabihin sa kanila na hindi sila makakapasok sa COMELEC dahil naka tsinelas sila. Porke ba walang pambili ng sapatos eh no entry na. Kaya nga mahirap eh.... sa kanila kalimitan ang sapatos ay isa nang malaking pribilehiyo kung magkakaroon ka.

Pag walang pera, di ka mananalo. Iyan ang isa pang paniwala marahil ng mga nasa COMELEC at iyan ang pinananatiling tradisyon ng ating halalan. Kung maniniwala tayo na ganyan ang tamang kalakaran wag na tayong umasa na may magbabago pa dito sa ating bansa.

KUNG GUSTO NATIN NG PAGBABAGO hayaan nating mabago ang mga sistemang nakasanayan natin at huwag tayong matakot tumaya para sa pagbabagong alam ko naman ay hangad nating lahat.

Nais naman natin ng malinis na gobyerno hindi ba? Ikaw ba ayaw mo?

Nais naman natin ng isang matalinong pinuno pero may malasakit sa mahirap at alam kung saan tayo dadalhin hindi ba? Ikaw ba ayaw mo?

Gusto naman natin ng isang bansa na protektado ang kalikasan at ang mga mamamayan laban sa banta ng sakunang dulot ng kalamidad at climate change hindi ba? Ikaw ba ayaw mo?

KUNG GUSTO MO NG PAGBABAGO... TAYONG LAHAT ANG SOLUSYON!

Subalit hindi mangyayari iyon kung ang iboboto nating lider ay iyong mga datihan pa rin at kung papayag tayo na pigilan ng COMELEC ang pagbabagong ito.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: