Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, December 14, 2009

A Brief Comment on Satur Ocampo and Liza Maza joining Manny Villar

Naging malinaw na ang lahat.  Guest candidate ng Nacionalista Party ni Manny Villar sina Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Liza Maza at tinaas pa ni Villar ang kamay ng mga ito.  Mas gusto ko paniwalaan na naniniwala si Villar sa adhikain ng mga ito subalit mas lutang ang dahilang pulitikal na kailangan niya ang boto ng mga makakaliwa upang manalo.

Akala ko magiging independent sina Maza at Ocampo at ikinatuwa ko ito sapagkat para sa akin ay tunay na paninindigan ito ng dalawa sa mga tunay na kandidato ng masang Filipino at ng mga manggagawa subalit hindi rin pala ito magtatagal.  Sa totoo lang "disappointed" ako sa pangyayaring ito.

Disappointed ako hindi dahil may iba akong sinusuportahang kandidato subalit sa dahilang tila napakalayo ng adhikain ni Villar at ng partidong pinagmumulan nina Liza Maza at Satur Ocampo.  Si Villar at ang kanyang pamamaraan ay isang manipestasyon ng tradisyunal na pulitika sa ating bansa na kung saan pera ang pinaiiral.  Magaling na negosyante si Villar pero para sa akin hindi siya magiging mabuting lider para sa ating bansa.

Makatao, makabayan at nag aadhika ng tunay na dangal para sa bayan sina Satur Ocampo at Liza Maza at sa personal na katauhan ay hindi ko sila matatawaran.  kaya kahit pa disappointed ako ay maaaring iboto ko pa rin sila.  Ang problema ko nga lang ay paaano ko maipapaliwanag sa sarili ko at sa aking prinsipyo ang mga pangyayaring ito.

Naniniwala ako na "tactical" at "strategic" ang naging desisyon ng dalawa at hindi nangangahulugan ng tuwirang pagsuporta sa Nacionalista Party, kay Manny Villar o maging sa ticket nito.  Ginawa nila ito marahil upang mapalakas pa ang pagkakataon nila para manalo sa halalan sa 2010.

Ganunpaman naniniwala ako na malakas pa rin ang hatak nina Liza Maza at Satur Ocampo kahit sila ay nag independent at hindi sumama kay Villar.  Sa ngayon ay iniisip ko pa kung iboboto ko sila o hindi.  Sayang din sa akin na sana napanatili nila ang isang matatag na paninindigan para sa bagong pulitika na naka angkla sa kanilang laban para sa mamamayang Filipino.

Ito ang pulitikang nais ko ring mabago upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat Filipino sa isang bansa na marangal at may pagkakataon ang lahat.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

4 comments:

Rakista said...

I believe Sen. Villar has proven himself worthy to become the next president of this country. Among other candidates, he has the richest experience--in business and politics-- in managing and leading people. That makes him the most competent candidate.

I hope you could elaborate more on what you said about Maza and Ocampo: matatag na paninindigan para sa bagong pulitika na naka angkla sa kanilang laban para sa mamamayang Filipino. What have they done? And what have they fought? Please enlighten me. I don't know those people much. I just know that they march to the streets with their banners and placards whenever there are heated issues against GMA. But after all the marching, what happens? Any significant change that happened? I'm sorry, but I look for results. No matter how worthy their intentions are and how clean their hearts are, without good results, they mean nothing.

Anonymous said...

Let us vote Loren for Vice President of the Philippines...
“We share common vision for the country. Both have found common ground in our stand in leading the country. People were asking, ‘Bakit si Loren?...Bakit hindi?”
- Senator Manny Villar, 2010 Presidential Aspirant, November 2009

Know more about Loren
http://www.lorenlegarda.com.ph/

David D'Angelo said...

Manny Villar uses money in this election way too much... noong umupo sya noong nakaraan bilang Senador tinraydor nya ang mga kasamahan sa oposisyon para lamang manalo bilang Senate President. Dito lamang sa Bulacan ay may kaso sya ng land grabbing.

Villar is also pro-mining at hindi naman malakas ang kanyang kampanya para sa Kalikasan kaya nga kabalintunaan na kasama niya si Sen. Legarda.

Sina Liza Maza at Satur Ocampo ay boses ng karaniwang tao. Wala man silang pera at pinutol ang kanilang PDAF dahil sa pagkontra sa mga pakana ni Arroyo ay nananatili silang mga tagapagtanggol ng karapatan ng mga karaniwang tao.

Ang problema ng ating bansa ay hindi lamang ang namumuno at ang solusyon ay hindi lamang ang pagpapalit ng Pangulo. Masdan ninyo ang mga nakaraang pangyayari kung saan ito ang ginawa natin. May nabago ba sa ating bansa? Hindi ba wala.

Ang solusyon ay isang pagbabago sa sistema at sa kalooban ng bawat isa sa atin. ANG MAGTATAPOS SA KAHIRAPAN AY HINDI SI MANNY VILLAR.

Eh kung hindi siya, sino?

TAYONG LAHAT ANG MAGTATAPOS SA ATING KAHIRAPAN!

heat me said...

ano ba nagawa ng mga partido na yan kasama naang kina satur ocampo o liza maza? Saan ba napunta ang mga pera sa mga proyekto nila...wala tayong naririnig kung ano ang ginawa ng mga partido sa bayan, hindi malinaw. Pakisagot.