Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, December 12, 2009

Campaign Against Gibo and LAKAS-KAMPI Candidates

Lumalawak ang kawalan ng tiwala ng mga mamamayan laban sa pamahalaang Arroyo at dahil din dito ay walang tiwala ang karamihan ng mga mamamayan sa mga kandidato ng LAKAS-KAMPI na pinangungunahan nina Gibo Teodoro at Edu Manzano.

Katunayan isang grupo sa Facebook ang ginawa ni Rey Refran, ang "Say NO to LAKAS-KAMPI-CMD Candidates in 2010!"

Sa kasalukuyan may 164 na miyembro ang grupo. Sinabi pa nila na ang boto sa mga kandidato ng Lakas-Kampi ay boto na rin para kay Gloria...

A vote for a Lakas-Kampi-CMD candidate in the 2010 elections, even if it's just for city/municipal councilor, IS a vote for Gloria Macapagal-Arroyo and her brazen plans to perpetuate herself in power as Prime Minister of the Philippines beyond 2010!

Kahit naniniwala ako sa panawagang ito ay mas gugustuhin ko na sa pagkakataong ito ai isang BOTO PARA SA PAGBABAGO AT SA BAGONG PILIPINAS ang ating gawin. Higit pa sa boto ng protesta ay dapat sama-sama nating itayo ang isang bagong Pilipinas sa ilalim ng isang Pangulo na hindi traditional politician, may paniniwala sa kakayahan ng mga Filipino at may "political will"

Sa isang eleksyon ay maliwanag ang partido. Kung ang isang kandidato ay hindi sumasang-ayon sa isang panukala o sa isang administrasyon hindi ba dapat siya ay wala na sa partidong iyon? Maliwanag na ang pagsama sa isang partido ay may dalawang dahilan: Una, gusto mong manalo sapagkat may makinarya ito; at Pangalawa; may pera ito na makakatulong sa iyo.

Tama nga naman ang iba na maaaring ang karamihan sa nasa LAKAS-KAMPI ay hindi naniniwala sa mga patakaran ni PGMA kundi andun lang para sa tinatawag na "political convenience". Pero kung ikaw ay may sariling paninindigan ay dapat tatayo ka para sa iyong pinaniniwalaan kahit mawalan ka pa ng partido.

Kaya nga mahalaga na itaguyod natin at papanalunin sa Halalan 2010 ang bagong pulitika. Nakakasawa na ang ganitong sulong ng ating pulitika... bago naman... isang pulitika na tunay na nagtataguyod ng kapakanan ng mamamayang Filipino at ng ating bansa.

Samantala patuloy na umaani ng puna ng mga taga LAKAS-KAMI ang grupong ito at ilan na rito ang mga sumusunod:

Mula kay LAKAS-KAMI Senatorial bet Raul Lambino na kilalang nagpupursige ng Charter Change:

"Whatever your motivations or political philosophies and ideologies, I wont take any offense for them. In fact, I am even ready to defend your right of expressing your views and sentiments the way you want them to.

"I want to assure you however, that not all of us in Lakas Kampi CMD are "evil" as you said so in describing the Group you created. If there is one that can be considered as an evil act is the way you acted and projected your group as well as your own profile. Anyways, I still wish you all the best and may you receive the light you deserve best for what you are doing."

Mula naman sa isang marvin Yadao Velasquez na isang fan raw ni Faustino Nang Dy Sr., ang patriarch ng Dy dynasty sa Isabela:

"wala kang pinagkaiba sa kandidato mo.. makitid ang utak"

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: