Header

COMELEC Disqualification of Nicanor Perlas an Injustice to the Electorate: Isang Panawagan

ShareThis
PANAWAGAN: SUPPORT OUR CAUSE SIGN THE ONLINE PETITION HERE...

Pagkatapos ng matagal na panahon at pagkamatay ni Raul Roco ay nabuhayan muli ako ng pag-asa sa ating bansa at sa ating halalan sa katauhan ni Nicanor Perlas at ng Partido ng Marangal na Sambayanan (PANGMASA). Ngayong araw na ito kasama sa nadisqualify ng COMELEC (related news) si Nicanor Perlas subalit maaari pa naman itong iapila. Naniniwala ako na ang PAGDISQUALIFY KAY NICANOR PERLAS ay KAWALAN NG KATARUNGAN sa ating mga mamboboto at sa ating sistema ng halalan.

Nagbibigay ito ng maling mensahe sa ating mga kababayan na tila walang lugar ang bagong pulitika sa halalang ito.

Ito ang opisyal na pahayag ni Nicanor Perlas hinggil sa desisyon ng COMELEC:

"CALLING ALL SUPPORTERS AND VOLUNTEERS! Comelec has shown its prejudice, and approved only 8 presidential candidates including Aquino, Estrada, Delos Reyes, Gordon, Madrigal, Teodoro, Villanueva and Villar. What is the legal basis of Comelec for excluding my candidacy? Is this a reaction to the very possible threat of NEW POLITICS?

This is an opportunity for ALL OF US to show that we will be vigilant in changing the current state of politics, and in transforming our country. This is a test for all of us to show that we are SERIOUS.Call the Comelec and let us demand for a REAL CHOICE in 2010. Comelec Hotlines: 5271897, 5272770, 5272987"


Paano madidisqualify ang isang kandidato na may kumpletong plataporma (view his complete platform), may "base of support", at kasama sa mga "recognized presidentiable" maging ng media at iba't-ibang grupo?  Dahil ba di katulad ng iba walang pera si Nick?  Sa kabila nito isa ang SIGURADO... HINDI UURONG SA LABAN SI NICANOR PERLAS.


Sa lahat ng nakasama sa 8 na naaprubahan ng COMELEC si Nicanor Perlas lamang ang umatend sa lahat ng forum, presidential debates sa radypo, telebisyon at maging sa mga kampuses. Mayroon siyang malinaw na plataporma, malawak na karanasan sa serbisyo publiko at sa kalikasan at higit doon kilala siya hindi lamang dito kundi maging sa ibang bansa.

Bagama't sinabi ni COMELEC Chairperson Jose Melo na partial lamang ang listahang ito para sa akin ay malaki itong pambabastos sa kakayahan at pagkatao ni Nicanor Perlas at gayundin sa kanyang mga tagasuporta. Hindi lamang naman si Perlas ang independent sapagka't independent din naman si Sen. Jamby Madrigal yun nga lamang may pera ito at di gaya ni Perlas na hindi naman mayaman.

Ayon pa kay melo ang mga konsiderasyong ginawa ay...

The decisions are based on formal requirements, a candidate’s means to pursue his/her intentions and there are those he called as ‘habitual losers’.


Sa nabanggit sa itaas kwalipikado si Nicanor Perlas at dapat ay isinama sa unang listahan ng kwalipikadong kandidato. Sino ba sa mga napasama ang may malinaw na plataporma para sa ating bansa. Kung pagbabasehan lamang ang kakayahan, kwalipikasyon at iba pa ay di hamak naman na mas higit pa siya sa ibang nasa listahan.

Kung hahayaan nating magpatuloy ito ay mangangahulugan ito ng kababawan ng pagpili sa mga kwalipikadong tumakbo at paglimita sa mga kandidatong dapat pagpilian ng sambayanang Filipino. Nasaan na ang green candidate na inaasahang magbibigay ng atensyon sa kalikasan at sa likas na kakayahan ng mamamyang Filipino?

Nananawagan ako sa sambayanang Filipino at sa lahat ng nagmamahal sa bayan, sa kalikasan, sa kinabukasan ng kabataan at ng ating bansa na magkaisa at manawagan sa COMELEC na isama si Nicanor Perlas sa opisyal na kandidato sa pagkapangulo sa 2010.

Kailangan nating mapagtagumpayan ang laban para sa bagong pulitika at sa kahirapan.  Kailangan natin ng political will upang maibangon ang dangal ng ating pamahalaan at mapatatag ang ating bansa.

Bibiguin ba natin ang mga taong naghahangad ng tunay na pagbabago at pagpipilian sa halalan ng 2010!

INCLUDE NICANOR PERLAS NOW! JUSTICE FOR A BETTER PHILIPPINES!


Suportahan si Nicanor Perlas at ang KRUSADA PARA SA BAGONG PILIPINAS!


--> Samahan si Nick sa Twitter
-->  Sumama sa Facebook Supporters
-->  Magvolunteer


IPASA at ISHARE ANG PANAWAGANG ITO SA LAHAT NG MAMAMAYANG FILIPINO...

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Related Posts by Categories



98 comments:

Ann Fernandez said...

I JUST HEARD. Why did they even approve Erap? This is a sick system.

Gou Enigami said...

Yes. very, very sick... sabi niya noon, 'di raw siya tatakbo. and now, tatakbo rin pala. he's a big LIAR-LIAR...

BenCy G. Ellorin said...

takot sila!

Perry Chloride said...

Hala, garapalan na to. Pinatutunayan lang na takot na ang mga trapo sa bagong pulitika. Ngunit umaasa tayo hanggang lunes na makakasama pa rin siya sa listahan.

Giselle Montero said...

Erap in?? Seriously?

Joni Francisco said...

They are obviously disrespecting the government and the constitution.

Daniel Repollo said...

may 5 days pa

Eugene Dy said...

This has to stop!!!

June-Marie Dosdos said...

What the hell is the problem in this country??? How is it possible that a smart man with a strong moral character, a more than qualified resume can get disqualified as a candidate for president, and they instead allow an indicted felon, thug, big fat LIAR to be on the ballot??? Is it time to question the integrity of the Comelec as to the choices ... See Morethey've made? They, and I'm not sure who, must be feeling threatened by the prospect of a new and better politics. Arrrggghhhh! This news really infuriates me!

Perry Chloride said...

WE SHALL OVERCOME... IBALIK SI NICK !!!

http://www.youtube.com/watch?v=pQiIZXkt2RM

Perry Chloride said...

IBALIK SI NICK !!!
READ AND REPOST !!!
WE CAN'T AFFORD TO HAVE THE SAME POLITICS AGAIN !!!

Read Jumping Jupiter's Official Statement on COMELEC's Exclusion of Mr. Nicanor Perlas' Presidential Bid http://perrychloride.blogspot.com/2009/12/ibalik-si-nick-jjs-official-statement.html

Jorge Andanar said...

bakit daw nadisqualify?

David D'Angelo said...

Let us defy the status quo and fight for new politics and a new nation! Sabi nila wala raw pera at nuisance but this is not the case for he can wage a national campaign. He is someone who can lead us to a better country.

ace2york via Twitter said...

Nicanor Perlas was removed from official COMELEC Presidential list? Feel sorry for him and his ideologies.met him. his ideas are brilliant.

Tshizzle2 via Twitter said...

How come Nicanor Perlas was booted out??? I consider Jamby as a nuisance candidate.

myepinoy via Twitter said...

Malaking suntok sa mukha kay Perlas at sa lahat ng Pinoy na naniniwala sa bagong pulitika ang pag-disqualify ng Comelec kay Nicanor Perlas.

leix via Twitter said...

Noooo! Why was Nick Perlas disqualified? I liked him!

gino510 via Twitter said...

asks: Why is Nicanor Perlas not in the line-up of Presidential candidates?

franciak via Twitter said...

Nick Perlas was disqualified, but Erap can run? Wtf? (annoyed)

iam_rAiNe via Twitter said...

Perlas disqualification: Malinaw ang ipinaabot na mensahe ng Comelec sa... WALANG LUGAR ANG BAGONG PULITIK ...

momblogger via Twitter said...

he was the first to talk on platforms. interviewed him too. sayang @enuhski:re: perlas disqualification...solid platform & plan of action.

blogwatchdotph via Twitter said...

Perlas disqualification: Malinaw ang ipinaabot na mensahe ng Comelec sa... WALANG LUGAR ANG BAGONG PULITIKA sa 2010 election

jpeb via Twitter said...

Jamby should be disqualified and not Mr. Perlas

candytong via Twitter said...

WHHAAAAT...they booted mr. perlas out of the pres race??? and let that jc guy run??? tsk tsk

eightyseas via Twitter said...

What would make a worthier banner headline for tomorrow? Voters' reg extension, Mayon explosion, Perlas disqualification...?

annarazel via Twitter said...

Wait. Perlas was disqualified? Why? For the first time I'm quite shocked by news.

Maricel P Montero said...

Oh no, not again! comelec is soo palpak.

Rock Drilon said...

discredited to the max! i'm beginning to suspect the comelec decisions are deliberate so it will be a no-el scenario.

Panjee Tapales said...

COMELEC is saying that ERAP can run again for President, despite his record, and Nicanor Perlas is not qualified? Ganoon? Si ERAP bago si PERLAS? Just when you think we've hit rock bottom, we manage to create another layer of rock effing bottom.

Ramón Sunico said...

Hindi palpak yan Maricel-- sinasadya lahat yan.

Maricel P Montero said...

Tama ka Rayvi . . . First Ladlad, then Padaca, now Perlas. What shall we do guys?

Dale Diaz said...

migrate. :)

Ramón Sunico said...

Herd all the people with H1N1 virus and lock them inside the Comelec compound with all the officials.

Panjee Tapales said...

Yes, sadya lahat for sure. Feeling ko nga towards martial law. Talagang gumagawa ng one kagaguhan after another para talagang magalit lahat ng tao at gumawa na ng gulo. @Rock, yup, anything wag lang bumaba sa puwesto. @Dale, don't think I ain't thinkin' it.

kk said...

this is sick...totally sick!
i won't let this chance of having a very good candidate in the race fall out. because of nick, for the first time, i saw hope for the rotting political system in the philippines. Hai naku.

Francis David via Facebook said...

COMELEC....HOY!GISING........ibalik nyo ang kandidato namin,sa tax namin nanggagaling budget kasama na sweldo nyo,kaya IBALIK nyo rin sa AMIN ang KARAPATAN at KALAYAANG MAMILI ng susunod na PRESIDENTE NG SAMBAYANANG PILIPINO!......

Noel said...

Kelan ba naging maayos ang COMELEC?

Gou Enigami via Facebook said...

@June: i also feel the same. i'm angry and terribly disappointed with Comelec... Those lackeys of the status quo should be punished in due time.

@sir Dave: sa totoo lang MAS NUISANCE PA ANG MGA TULAD NI ERAP, JAMBY at DELA CRUZ na pilit humahati sa sana'y nagkakaisang oposisyon laban sa nakaupo. Grabe talaga ang ginagawang "last ditch efforts" ng Comelec, sa takot na mabuwag ang bulok na sistema ng politika...

Janneke Agustin via Facebook said...

Comelec disqualifies a very qualified candidate in Nicanor Perlas and approves a once-ousted and corrupt Estrada, a less-known candidate JC Delos Reyes, and a last-minute candidate Jamby Madrigal. This is just proof kung gaano kabulok ang sistema ng pulitika dito sa ating bansa. I join in protest of the Comelec's unfai...r decision!!! We need NEW POLITICS in 2010!!!!

Gold Villar via Facebook said...

nagdisqualify sila ng candidate sa partido ni nicky?

Janneke Agustin via Facebook said...

nope, they disqualified NICK!!!!

Gold Villar via Facebook said...

what the hell?! ano daw ang grounds for disqualification?

Marichu Belarmino via Facebook said...

HUWWWHHATTTT!!! napaka-hello! naman ng COMELEC!!!! tunay na karnabal talaga itong ating pulitika.... kalokah!!!!

Chris Perlas via Facebook said...

Comelec just made a big mistake..hahaha which will be greatly to our advantage. :) cant wait for the huge event to come within the next five days! Perlas Tayong Lahat!

Chris Adebahr via Facebook said...

it sucks that candidates have to be corrupt to run in the election. how can someone like manny villar make it to the forbes richest list as a politician? conflict of interest and a reason why things will never change

Chris Perlas via Facebook said...

great point.. everyone is sick of this shit. only a matter of time till everyone is fed up.

Duane Canon via Facebook said...

dont wanna loose my bet for the 2010 polls....without n.Perlas ill just stay home and chill than to vote for some predator hunting for prey....got yah hommie

Chris Perlas via Facebook said...

hahah dirty pick you got there..

Teddy Brul via Facebook said...

Ang New politics na isinusulong ni Nick Perlas at pagdisqualify sa kanya ay isang indikasyon na binibigyan lamang ng Comelec ng puwang ang lumang pulitika na para sa interes ng mga trapo. Tila walang puwang sa Comelec ang New politics na hinahangad ng mga ordinaryong tao.

Linp said...

@ Ann Fernandez: I agree! ERAP should be disqualified, not Nicky!

Myepinoy Pinoy via Facebook said...

sabi Kulas: Pre, bakit ka pa NAGUGULAT sa decisions ng COMELEC? eh di ba sa hanay nila galing si Abalos, si Garci, si Lintang Bedol atbp...

Dino Manrique via Facebook said...

Nakakadismaya kung minsan ang bansa natin. Ambobobo ng mga nasa posisyon. Kung sino pa ang matino siya pang pinag iinitan. Ano bang ikinakatakot ng COMELEC? Na magbabago ang bulok na sistema?

Ipagpatuloy natin ang suporta para kay Nicanor Perlas. Mag-ingay! Isa lamang itong pagsubok sa mahabang paglalakbay tungo sa tunay na pagbabago!

oliver f. aoliver said...

Isa itong malaking kalapastanganan ng COMELEC! Tunay ngang ang ahensya ay pinamumugaran ng mga makikitid na pag-iisip na walang pagkilala sa mga ordinaryong mamamayan bagkus ay may pagtatangi sa iilang may kapangyarihan. Tunay ngang higit na nakasisilaw at nakabibighani ang pera kaysa sa kung ano ang higit na makabubuti sa pangkahalatan. Kung ganito lang ang papel ng ahensya, mas mainam pang buwagin na lamang ito. Pati ba naman sa COMELEC, Melo-tuan pa din?

Janneke Agustin via Facebook said...

Bobo nga ba ang nasa posisyon o gusto na naman nilang bilugin ang isip ng mga tao? Tulad ng mga naglalabasang artikulo tungkol sa tunay na dahilan o kuwento ng Maguindanao Massacre, ang mga nasa posisyon ay maraming mga panlilinlang at "manipulation" na ginagawa dala ng takot. Dahil kung hindi ka natatakot, at di ka nga nag-iisip (bobo) ay bale-wala lang ang pagtakbo ni Nick. Pero sa palagay ko ay nakikita na nila na may posibilidad na mabago ang sistema ng pulitika na umiiral ngayon sa bansa, at dahil sila ang nakikinabang dito, natatakot nga sila.

Ang tanong, ano ang papel nating "wala sa posisyon"? Hahayaan ba nating ganito na lang palagi ang sistema ng pulitika at pamumuhay dito sa Pilipinas? Magkikibit-balikat na lang ba tayo at sasabihing "ganyan talaga"???

Kung bobo at takot ang nasa posisyon, puwes hindi na sila ang dapat na nasa posisyon!! Tayong matatalino, matatapang at may malilinis na pagkatao (puso at isipan) ang dapat na manaig!! ...

Myepinoy Pinoy via Facebook said...

Bakit kaya? Dahil walang bilyones na pera si Perlas! Yan ang malinaw.

Kung pag aaralan ang initial na listahan, lumalabas na ang qualification lang na kinosider ng Comelec ay ang pulitikong maraminnnnng peeerrrra. Wala silang pakiaalam kung ex-convict o walang konkretong programa ang mga nag-qualify. Pera, Pera lang talaga ang malinaw na basehan.

Ito ay isang matinding pag-agaw sa karapatan at pag-alis ng katarungan sa mga mamayang Pilipino na nagnanais ng bagong pulitika. ...

Prema Devii Ramirez via Facebook said...

God, this is totally sick! COMELEC rots.

Noel Topacio de Leon via Facebook said...

I think I am beginning to reconsider the candidate whom I'll give my support.

nga pala, kelan ba naging tama at magaling ang COMELEC?

_cakey via Twitter said...

FUCK. Nick Perlas's candidacy wasn't approved? I will definitely abstain for the president position now.

pepediokno via Twitter said...

@monsterjimenez im sure the comelec will reconsider nick perlas' candidacy if he asks them nicely. and if he says it with "po."

sunshine said...

ang kapal ng mukha ng mga taga-comelec na yan! how can they allow estrada, who was by the way CONVICTED of plunder, run and yet disqualify nick, who is the most competent among the presidentiables?! this is preposterous!

Xian Valencia via Facebook said...

i believe in this man. he has my vote.

Jeff Ramos via Facebook said...

that is so NOT RIGHT! who are they to say(implicitly) that if you do not have money or do not have connections you cannot run for presidency? unbelievable... I will pass this on and though out of the country I will help spread this outrageous decision!

That I know is exactly what Mr. Perlas is putting up this fight for.

Dino Manrique via Facebook said...

Mag-protesta !!! Kung sinong matino siyang pinag-iinitan...

Errol Paul C. Roquel via Facebook said...

Papano nangyari un kng cno pa ung ok eh un pa ung natanggal anu n b ang nangyayari s bansa ntin..cguro lahat tyo pupunta n s impeyerno..mauna n sana mga taga comelec..

Rommel Santos via Facebook said...

we need a new leader, nick is the answer

Xian Valencia via Facebook said...

comelec junks those candidates without political party. he's just proving that he does not need any party to run a government. besides, it's not the party that will rule the nation, it's the one whom you vote for.

Marie Shellah via Facebook said...

pano naging nuisance candidate ang isang Alternative Nobel Prize Winner? ang isang Manuel L. Quezon Awardee for Exemplary Governance? hay Pinas

Rpartisala said...

This is BS!

Jocerene Angel via Facebook said...

this country will deteriorate if decisions like this in the government goes on! mamatay sana kayo sa dami ng pera niyo!!!

Aisa de la Cruz said...

I'm not a supporter, but come on. THIS IS SICK. They approved the candidacy of an ex-convict OVER an environmentalist? They should have qualified HIM instead of ERAP.. and ugh, SENATOR JAMBY MADRIGAL!

Anonymous said...

sabi ko noon, para manalo ang isang kandidatong karapat dapat sa halalan ng pilipinas, palitan muna ang electoral system natin. ngayon kitang kita na...para sa comelec ang pwedeng tumakbo lang ay: mayayaman, kriminal, sinungaling, magnanakaw, aanga anga, oportunista, walang track record, malabo o talagang walang goals, may mga kabit, at marami pang katangiang isusuka ng isang tunay na makatao at makadiyos.
kung yan ang qualifications na pinapatupad ng comelec, aba'y pasado na ang walong yan. si nick? di yan papasa. mabuting tao ka ba? di ka rin papasa.

Anonymous said...

sabi ko noon, para manalo ang isang kandidatong karapat dapat sa halalan ng pilipinas, palitan muna ang electoral system natin. ngayon kitang kita na...para sa comelec ang pwedeng tumakbo lang ay: mayayaman, kriminal, sinungaling, magnanakaw, aanga anga, oportunista, walang track record, malabo o talagang walang goals, may mga kabit, at marami pang katangiang isusuka ng isang tunay na makatao at makadiyos.
kung yan ang qualifications na pinapatupad ng comelec, aba'y pasado na ang walong yan. si nick? di yan papasa. mabuting tao ka ba? di ka rin papasa.

Nicanor Perlas via Facebook said...

I just came from Comelec, and I would like to assure all the volunteers and supporters that we have a very strong case. We are now working on the legal response, and if we truly believe that this country deserves a chance for change we will make sure that Comelec listens to us, put pressure on them until they reverse t...heir decision. Within 5 days, they will receive the motion for opposition from our lawyers.

Chiqui Mabanta via Facebook said...

I hope there is a backlash with their outrageous decision and that this in turn gives you all the attention and support you deserve.

Jeremy Ramos via Facebook said...

Dear Mr. Perlas, I am not a supporter but we, in Ireland, assure our support on the campaign towards equal candidacy opportunities and the provision of just, consistent and trustworthy election regulations.

Marisa Roque via Facebook said...

Just goes to show that when one has merit, those without merit quake and band together to take down the one that has the potential to rout them.... :(

Irvin Valencia via Facebook said...

they are afraid that somebody can change the traditional political system...

Mike Portes via Facebook said...

You're the who has the glaring political will and the only one who could fare with Gibo's crebral flexes but maybe like salonga, our country doesn't deserve genuine people like you to be in power. My vote was already swaying towards you. Comelec should give a valid reason for your disqualification.

Nicanor Perlas via Facebook said...

Join us on Monday, December 21, 9:00am in front of Comelec, Intramuros (beside Manila Cathedral and demand the reversal of their decision to disqualify me. Let us show Comelec that we cannot allow this injustice to the Filipino electorate and that we are all ready for New Politics! Please wear Green or Black in solidarity.

Obet Ignacio via Facebook said...

Bakit na disqualifies si niki samantalang kung susuriin mo sya ang isa sa pinakamuhasay na presidentables

Vargas Carlo via Facebook said...

gusto ninyong patunayan na kayang magpatakbo ni nick perlas ng kampanya? MAGDONATE NA KAYO!

Jon Ivan Pinsan via Facebook said...

All support and prayers for Nick. We definitely need new politics in the Philippines and we can't let COMELEC ruin it all for us.

Akmad Wahab FMYCPAD via Text said...

Dapat lang gawin ni President Nick Perlas alang-alang sa mga NGOs support him kaya di dapat gawin ng COMELEC, db? We are a democratic country and Filipino citizens? Extend my regards.

Rudy via Text said...

Hi Dave, we are praying for Nick's appeal. Alam mo naman dyan, pati nga sila Padaca dinali din. This is really very disappointing.

Merck via Text said...

I'm gonna take a stand on this dahil binabastos na ng COMELEC ang proseso ng halalan.

Raquel Tabaday via Text said...

Naku kainis talaga! Grabe nga si erao eh feeling so clean during his term alaw daw siya mali ginawa... hayss kawawa talaga Philippines.

Nicanor Perlas said...

Thanks for all your messages of support. It has been overwhelming and strong all over the country. So kindly excuse this generic response as I continue to respond to the massive media interest and filing our legal action. We were in the frontpage of PHILIPPINE DAILY INQUIRER and PHILIPPINE STAR.

There is a plan for a massive protest NATION WIDE on Monday. The main protest will be at the vicinity of COMELEC HQ at Palacio del Gobernador in Intramuros, Manila 9:00A.M. onwards. We are inviting you to wear green or black and have a GREEN ARMBAND if possible. (Confirm here http://www.facebook.com/event.php?eid...

We have a strong chance to be reinstates as presidential candidate based on our legal options and studies by our lawyers.

Once again thanks at tuloy ang ating laban!

Stay tuned.

NICANOR "NICK" PERLAS
Partido ng Marangal na Samabayanan (PANGMASA)

Krishna Zabate via Facebook said...

oh my! the comelec has already decided for our country even before we can vote!!!! now i am decided to give my support to nicanor perlas!!!

Shiela RC via Facebook said...

Nakakatawa! Si Nicanor Perlas, nuisance candidate? Siya na Alternative Nobel Prize Winner, awarded by the United Nations as an Earth Warrior, Manuel L Quezon Awardee for Exemplary Governance, tinanggal in favor of a convicted former president, an independent candidate with lots of money, one with corruption charges, on...e who is eloquent but ... See Morecertainly a trapo, a leader of a religious sect, an empty shell of a lucky son, a candidate whose name stands for gloria's interest before others, and a lesser known young candidate! Ano na ang nangyayari sa bansa natin? How can the Comelec decide for us at tanggalin ang kandidato natin? Kahit basahin 1MX ang Comelec Resolution, wala kang makikitang reason para tanggalin si Nick! Lalabanan natin ito!

Hamir Cathy Ali via Facebook said...

Tama! Nick Padayon tayo

Nap Jacutin via Facebook said...

KA PERLAS PA RIN TAYONG LAHAT

Perry Chloride via Facebook said...

The COMELEC decision is not yet final. huwag tayong panghinaan ng loob. Lalaban si Nick! Lalaban tayo para sa pagbabago !

Rob Nielsen R. Belbes via Facebook said...

go kaya nyo po yan!!!

Anna Slater via Facebook said...

Hey Nicky, Warren and I will be in Intramuros on Monday. It is really true.... the greater the task we try to accomplish, the greater the adversity which will come to meet us. All the more stronger this group should become on this journey!

Althea Maefe Tanola Sagayno via Facebook said...

i strongly believe that you are the hope of this country ..

Shiela RC via Facebook said...

si jamby madrigal, independent pero nakapasok. yun namang machinery to wage a national campaign, they are assuming wala. comelec is discounting the voice of the people, the power of the people to make an intelligent choice, and win an election through alternative means. pera lang ba ang kailangan to campaign? nakita n...atin si trillanes na nakakakulong, dinakapangampanya pero nanalo. si cory at the height of suppression,ibinoto at sinuportahan ng tao, at marami pang iba. people are tired of the same old traditional politics. to people who have seen the comelec decision, not one in all of the grounds given applies to nick.this is nothing but bullying. telling people not to work for change because its not going to happen. mali sila. the comelec's decision is NOT yet final. lawyers see now that we have a strong case. we can still turn this around.

Elmar Beltran Ingles via Facebook said...

thinks COMELEC sucks big time in disqualifying Nicanor Perlas and Danton Remoto from the 2010 race. They have disenfranchised voters supportive of Perlas and Remoto by dismissing the duo's ability to mount a national campaign. Sen. Trillanes ran and won the 2007 election with very little funds and campaigning privileges. Is the COMELEC afraid of another upset in the Perlas and Remoto candidacies? What a farce!

苦瓜鹹蛋Star said...

徵信社,尋人,偵探,偵探社,徵才,私家偵探,徵信,徵信社,徵信公司,抓猴,出軌,背叛,婚姻,劈腿,感情,第三者,婚外情,一夜情,小老婆,外遇,商標,市場調查,公平交易法,抓姦,債務,債務協商,應收帳款,詐欺,離婚,監護權,法律諮詢,法律常識,離婚諮詢,找人,追蹤器,GPS,徵信,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信,徵信社,徵信公司,尋人,抓姦,外遇,徵信社