Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, December 28, 2009

Communist group says Villar more ‘patriotic and progressive’ .. ANO RAW?

Disclaimer: Ipagpaumanhin ninyo ang post na ito sapagka't hindi ko talaga kinaya ang aking nabasa...

Ano ang basehan para sabihing "more patriotic and progressive" si Manny Villar? (buhat sa artikulo ng Inquirer). Ayaw kong mambato ng kung ano sa mga kandidato subalit bilang isang aktibista rin at patuloy na kasama sa laban ng mamamayan ay hindi ako makapaniwala sa binitawang salita ng Communist Party of the Philippines na ito.

Paano magiging patriotic at progressive ang isang kandidato na may senador na gustong burahin sa Pilipinas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Sangguniang Kabataan sa katauhan ni Gilbert Remulla?

Paano magiging patriotic at progressive ang isang kandidatong sinuportahan ang kandidatura ni Bong-Bong Marcos na ang ama ay sangkot sa pagkawasak ng moralidad ng ating bansa at pagpatay sa di pa mabilang na mga Filipino?

Paano magiging patriotic at progressive ang isang kandidato na gumagastos ng milyon sa halalan at sinabi pa na kung wala raw pera ang isang kandidato ay dapat na itong huwag sumali sa halalan?

Paano magiging patriotic at progressive ang isang kandidato na pagkapanalo sa Senado ay nagtraydor sa kanyang mga kasamahan upang maupo bilang Senate President?

Paano magiging patriotic at progressive ang isang kandidato na sangkatutak na mga taniman ng palay at mga lupang agrikultural ang pinatabunan para mapatayuan lamang ng mga subdivision na wala namang nakatira?

Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ikatuwa na minsan ay naging bahagi ako ng Kabataang Makabayan upang ipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka at estudyante sa Quezon Province o ikadismaya ang mga pangyayari sapagka't tila nawala na ang pundasyong paniniwala na ipinaglalaban ng mga mahihirap.

Tuluyan na ba tayong nasilaw sa kinang ng salapi o hindi lamang natin makita ang katotohanan na may kandidatong lumaban sa globalisasyon at tumaya laban sa APEC at sa Estados Unidos upang hindi mapagsamantalahan ang mga mahihirap na bansa.

Hindi ba natin makita na may gustong magbago ng sistema ng ating pulitika at gawin itong mas pantay para sa lahat?

Hindi ba natin nakikita na may gustong magbigay ng bisang gobyerno na kung saan tayong lahat ay may pakialam at may kinalaman?

Saan ba tayo nakatingin? Ano ba ang tinitingnan natin?

May pag-asa pa ba talaga tayo?

Hay Ambot!

Ganunpaman patuloy akong naniniwala na magtatagumpay ang laban ng mamamayang Filipino. Ang laban para sa isang makabuluhang pagbabago para sa pambansang demokrasya ng ating bansa na kung saan TAYONG LAHAT ANG SOLUSYON!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Perry Chloride said...

hinala ko diyan sir, nagbabayad 'yan ng campaign tax sa mga Komunista. Asa namang hindi. Kc maraming pera.

David D'Angelo said...

I don't like to view it that way... I rather see it as a tactical and strategic move in order to really gain political ground... kaso sayang eh...