Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, December 30, 2009

Friend Nyo Ba si Jose Rizal?

113 taon na ang nakakaraan ng barilin sa Luneta o Bagumbayan si Gat. Jose Rizal. Tulad ni Ninoy ang kanyang kamatayan ang nagsilbing ningas ng rebolusyon noong 1896 na siya namang naghatid sa atin sa kasarinlan.

Ngayon makalipas ang napakaraming taon may magandang nga bang naidulot ang mga pangyayaring ito? Iyan mismo ang tanong ni Jose Rizal sa kanyang Facebook account na kung saan syempre friend nya ako.

Nakakatuwa kung tutuusin na makita mo ang isang Facebook account ni Jose Rizal na syempre alam mo namang hindi siya ang tunay na nagmamaintain. Ang mas nakakatuwa pa nito ay nakikipagchat ang may-ari ng account at maganda ring managalog parang si Rizal.

Una kong nakita ang account na ito sa Facebook Fan Profile ni Nicanor Perlas kung saan tinanong nya si Perlas kung ano raw ang gusto nitong pagbabago. Doon ko rin nakita ang Facebook account ni Andres Bonifacio. Mukhang kinakarir. So add nyo na siya at invite sa Farmville at Mafia Wars.

Joking aside, anu nga kaya kung makakausap natin si Jose Rizal ngayon? Ano kaya ang kanyang sasabihin at itatanong sa atin? Matutuwa kaya siya sa mga nangyayari at nangyari sa ating bansa? Pababain din kaya niya sa puwesto si Gloria Arroyo? o di kaya tatakbo rin siyang Presidente? Anu kaya kulay na gagamitin niya at anong Partido kaya?

Isa lang ang masasabi ko na SANA AY HINDI NASAYANG ANG KANYANG PAGBUBUWIS NG BUHAY. Sana ay magising tayo at mapagtanto na panahon na upang umangat ang ating bayan... hindi bukas kundi NGAYON NA!

Happy Birthday nga pala sa lahat ng may kaarawan sa Rizal Day kabilang na sina Bigan Cesar Amoranto at Leo Lauzon!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: