Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, December 2, 2009

Gloria Macapagal Arroyo (PGMA) Gahaman sa Kapangyarihan!

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas, isang Pangulo ang tatakbo sa mas mababang posisyon bilang isang Kongresista. Ito ba ay isang pagpapakumbaba o talagang pagkagahaman sa kapangyarihan?

Kahapon pormal nang nagsumite si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng kanyang CoC sa Commission on Elections ng San Fernando, Pampanga kasama ang kanyang mga anak at asawang si Miguel Mike Arroyo.

Libo-libong kabalen ni Arroyo ang nagpunyagi at nagpalakpakan sa kanyang pagtakbo. Hindi natin masisisi ang mga kabalen ni Arroyo sa pagpupunyagi sapagkat malaki ang naitulong nito sa kanilang lugar. Sa huling mga buwan ay napakadalas ng pangulo doon, namimigay ng kung anu-ano at pumapapel gamit ang pera ng sambayanang Filipino.

Takot marahil si Gng. Arroyo sa mga kasong maaaring ihain sa kanya lalo pa at dehado ang kanilang manok na si Gibo Teodoro. Target din ni Arroyo ang pwesto ng pagka Prime Minister kung sakaling magtatagumpay ang pagpapalit ng porma ng pamahalaan mula Presidential papuntang Parliamentary.

Si Arroyo ang tila maraming record na nagawa sa kanyang pagka Pangulo.

1. Pinakamaraming pagpapalit ng desisyon (Di pagtakbo sa 2004 eleksyon, Hello Garci, etc.)
2. Pinakamaraming impeachment case bilang Pangulo (walong kaso).
3. Pinakamababang rating.
4. Pinakamabilis na Pangulong yumaman sa puwesto.
5. Pinakamatinding election violence (Maguindanao-Ampatuan Massacre).
6. Pinakamababang pangulo (obvious naman di ba?).
7. Pinaka ayaw umalis sa puwesto.

Alam ko marami pa yan pero kayo na ang bahala.

Sabi nga ni Bishop Lagdameo sana naman ay binigyan niya ng pagkakataon ang iba na makapamuno. Sabagay, para namang may ibang tatakbo eh kung hindi siya andyan naman ang kanyang anak na si Cong. Mikey Arroyo di ba?

Kung mananao law si PGMA na kongresista limang Arroyo na ang nasa Kongreso. Biruin mo may party list pa pala sila iyong Kasangga. Hmm... kasangga nino? Ni Gloria Arroyo?

Nagtataka naman ako at bakit hindi tinapatan ni Prof. Randy David si PGMA? Marahil ay naisip niya na dahil sa laki ng nagastos nito sa kanyang mga kabalen para siguraduhin siya ang iboboto ay walang panama si Prof. David sa mga galamay ni PGMA.

Nakangiti pa na nagfile at parang nakakaloko. Ano ba yan? Bakit ba nagkaganyan si PGMA? Kung iisipin noong senador pa lamang siya ay tila isa siyang ulirang lider subalit nang maupo at malasing sa kapangyarihan nagi na siyang isang hunyangong lider.

Kawawang bansa at kawawang bayan.

Sana po pumili tayo ng magbabago sa ating bayan.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Anonymous said...

ok 'tong blog mo... sobrang naliwanagan ako...
tama talaga,,,,