Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, December 7, 2009

Kailangan ba ang Martial Law sa Maguindanao?


Ilang araw na ang nakakaraan buhat ng ideklara ng Pangulong Arroyo sa bisa ng Proclamation 1959 ang Martial Law sa Maguindanao. Marami ang nangamba at marami ang nagulat pero dapat nga ba ito? Bakit ba kailangang magkaroon pa nito?

Sinabi sa proklamasyon na ang naging dahilan ng pagdedeklara ng Batas Militar sa Maguindanao ay sa dahilang may nangyayaring rebelyon doon. Rebelyon daw ng mga dating kabilang sa CVO o Civilian Volunteers Organization na "loyal" sa mga Ampatuan.

Ang CVO ay na activate noon upang maprotektahan daw ang mga mamamayan ng Mindanao kasama na ang Maguindanao pero dahil sa ang nasa kapangyarihan doon ay ang mga Ampatuan tila sa kanila yata ito naging matapat at nagamit nila para sa kanilang mga gawain.

Sunud-sunod ang naging pag-aresto sa ilalim ng Martial Law. Sa kasalukuyan may 62 nang naaresto at tiyak na rebelyon ang kasong isasampa sa kanya. Isang kaso na bailable at pwede kang mapawalang sala dahil lamang sa mga usaping technical.


Bakit ito idineklara ni Arroyo? (Click to view PGMA Report on Proclamation No. 1959)

Maliwanag.... Una, sapagkat sa pamamagitan nito ay pwedeng makalusot ang mga Ampatuan sa mga kaso at pwede ring makalusot ang pamahalaan at magdahilan at idaan sa mga bagay na technical.

Pangalawa, mabibigyan ng tila mukha ng "sapat" na katarungan at pagmamalasakit ng pamahalaan ang mga biktima ng Ampatuan Massacre. Isang mukha na hindi sapat at hindi tunay na hustisya ang ibibigay.

Paano mabibigyan ng hustisya ang mga biktima kung kaibigan mismo ng Pangulo ang mga Ampatuan at nangangamba ito na kumanta sila ng tama at mabuko ang mga pinaggagawa nila sa Maguindanao lalo na sa mga panahon ng halalan.

Kailangan ba ang Batas Militar sa Maguindanao?

Ang maliwanag na sagot ay hindi. Kung may "political will" lamang ang pangulo at kikilos ng tama at mabilis ang mga ahensya nito ay madaling madadakip at makukulong ang mga maysala. Subalit sadyang makupad at tila walang interes ang pamahalaan na ikulong at panagutin ang mga Ampatuan.

Maliwanag rin na alam ng ating pamahalaan noon pa man na mayroong mga "private armies" pero walang ginagawa ukol dito. Ngayong malala na saka sila nagkukumahog na gawan ito ng paraan.

Mapapansin din na tila nailalatag na ang mga paraan para mapanatili si Gloria Arroyo lampas sa 2010. Option A: Pagkapanalo sa Pampanga - Speaker of the House - CHA CHA - Prime Minites; Option B: Martial Law; Option C: Gibo Teodoro. Ito ang ilan sa latag na nakikita ko at maliwanag ngayon na may pagkakataon na maging pabor sa layuning ito ang nagaganap sa Mindanao.

Kung mayroon mang kailangang gawin ito ay ang makamit ang tunay na hustisya para sa mga naging biktima ng karumal-dumal na pagpatay na ito, ang Ampatuan Massacre.

Nananawagan ako sa mga mamamayan na manatiling mulat at mapagmasid. Makiisa sa mga pagkilos at lakasan ang loob na tutulan ang anumang hakbang para mapanatili pa si Arroyo sa puwesto at matakbuhan niya ang pananagutan laban sa katiwalian.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

5 comments:

amxee said...

----wlangb hiyang AMPATUAN..

Shen said...

Kawawa naman ang mga Ampatuan na hindi gusto ang ganid at dahas na pinaiiral ng kaangkan nila na tulad ni GMA ay lasing sa kapangyarihan.

Basharie Cabugatan said...

->aS a muslm,i thnk d na kelangan ng martial law mas ngwoworst pa...kya cgro dineclare n p.gma kc bka mlpt na poh cya mpatalsk sa pws2...I hope nga..kc i fel she is not a good presdnt kc parang npakaCrisis ng econ0my...Npak2mal ng benta ngaun...Thats my comment.

Francis David said...

sa akin opinyon po,KAILANGAN,kasi kung ndi ito ggwin,ndi mppsok bsta-bsta ng militar at pulisya ang mga compound na pag-aari ng mga ampatuan kung saan nktgo ang mga posibleng armas na ginmit s masaker. (via Facebook http://www.facebook.com/shenbrood?v=feed&story_fbid=226992078942)

Che Renegado Roxas said...

nope! it can only create more conflicts & problems ... even if walang martial law if the autority will really implement the law ng walang kinikilingan masosolve nila ung crime na nagyari sa maguidano ...

maybe PGMA really wants to create more conflicts/problems so even that happens she can declare martial law sa buong country ... remember a leader that is greedy to his/her position will think of any plans/ways to keep his/her position as long as he/she wants ...

dapat other government officials & tyo mismo mga pilipino eh nag iisip ng mabuti about the true intention of PGMA, it is not impossible na maisip niyang gumawa ng ganyan coz di nman siya malinis na president eh ... dont forget ang dami nyang scandals, ung HELLO GARCI nalang na inamin niya eh sobrang scandal na but we pilipinos are not doing anything about it ...... See More

i pity all of us for doing nothing about all the problems here in our country kahit na kitang-kita na natin ung ginagawang katiwalian ng mga officials natin ... walang ibang dapat sisihin sa mga nangyayari sa country natin but tayo din ... hope all of us will wake up na as soon as possible sa katutuhanan at harapin ng buong tapang lahat ng tiwaling tao sa pamayanan at ang mga katiwalaang gawain nila ...

we need to be ashamed sa mga sarili natin coz our national heroes na namatay for our future do not deserve this kind of insult sa pagsa-sacrifice nila para lang satin ... aun bow heheheeee ...