Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, December 19, 2009

Lahat Konektado

wala akong pakialam kung may pasok bukas at kung ako man ay mapuyat...
bigla kasing may pumasok sa isip ko't gusto kong magsulat...
soundtrip sa iba't ibang genre...
basta kung ano yung masarap sa panlasa....
kagabi marami akong gustong isulat...
itinanim ko sa utak ko pero biglang namulat...
nawala yung tama at biglang bumalik sa hinaharap...
paminsan -minsan masarap magsulat ng may tama...
depende nalang sa mga taong mahina...
pedeng pagdugtong-dugtungin ang aking sinasalaysay....
iyon naman ay kung paano ka namumuhay...
kung ikaw ay naguguluhan...
hindi lang ikaw kaibigan...
masama bang magsariling sikap...?
bakit ang iba nagtatago pa?...
eh kung hindi naman pala bakit hindi nila gawin ng prangka...?
nakakahiya bang paminsan-minsan iharap natin yung totoo...?
mas mabuti pa kaya kung huwag ka nalang tumakbo...
pag gumamit ka nito ikaw ay mag-iiba...
depende nalang sa pang-unawa at kung ikaw ay mahina...
mukhang mauubusan pa ng tinta...
parang boxing, save by the bell yung kalaban...
ang daming gustong maging malalim...
pero hindi naman marunong magtanim...
pero kung normal ka ang hirap sabihin...
kaya yung iba kumukuha ng tapang sa inumin...
pero subukan mo yung trip ko...
normal lang pero may punto...
sa tingin ko pareho-pareho tayo...
depende nalang sa mga konyo...
hindi naman ganun dapat ang tama...
pero bakit pinipilit niyong maging tama...?
ang daming dapat unahin keysa sa kayabangan...
hindi din paraan ang magkaroon ng kapangyarihan...
lumalim ako kasi bumababaw kayo...
hindi mo pwedeng sabihing minsan lang ito...
bukas may naghihintay at umaasa sayo...
parang kaibigan na nawala sa tabi...
di mo alam ikaw pala yung aasahan sa huli...
nakakalungkot ang katahimikan...
nakakamis yung mga halakhakan...
wala kasi sa akin yung pasya...
gustuhin ko man na sila'y maging masaya...
masarap yung walang malay...
tapos kinabukasan mapapansin mo wala ka palang sablay...
iba yung dating keysa dun sa mga nagpipilit magkaroon ng dating...
mapapansin mo magaling ka pala...
at biglang gusto mong isulat yung mga lumalabas sayong bunganga...
natatawa ka kasi ikay'y tama...
pero bigla kang aantukin at manghihina...
ngayon ay oras ng matulog at magpahinga...
pero sa pagpikit ng iyong mga mata...
kinabukasan susulat ka ulit ng panibagong tula...

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: