Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, December 31, 2009

Madugong 2010 Elections?

Magiging madugo raw ang 2010 elections. Ito ang walang pagaatubiling sabi ni Jojo Acuin ang itinuturing na Nostradamus of Asia.

“Magulo ang eleksyon at maraming mamamatay,” yan ang sabi ni Acuin nang tanungin siya ukol sa mga prediksyon niya para sa taong 2010.


Sinabi rin ni Jojo Acuin na magiging taas baba ang trend ng ating ekonomiya subalit makaka recover naman daw ang bansa sa mga naidulot ng bagong Pepeng at Ondoy at ng iba pang trehedya na dumaan sa ating bansa.

Sabagay hindi na ito nakakapagtaka pero sana ay huwag namang magkatotoo. Sinimulan ang halalang ito ng pinakamadugo at karumaldumal na pagpatay at pagmassacre sa isang kalabang pulitiko at mga mamamahayag noong Nobyembre 23. Mahigit 57 na journalist, babae, abogado at iba pa ang pinatay at ibinaon gamit ang backhoe.

Kahapon lamang ay may tinambangan naman at inambush sa Iloilo. Tila kasama na sa halalan ng Pilipinas ang karahasan.

Pinapangambahan din na maging magulo ang mismong botohan dahil sa maaaring pagkalito ng mga boboto hinggil sa bagong sistema ng pagboto sa 2010. Baka raw marami ang hindi makaboto at magkaroon ng mga "failure of elections."

Isa pang puwedeng magdulot ng gulo ay ang pagkakapit tuko sa kapangyarihan ni Gloria Arroyo na tumatakbong Congresswoman sa Pampanga. Isipin mo pangulo na tapos magkokongresista. Saan ka pa!

Sana naman ay hindi lumikha si GMA ng scripted na gulo tapos biglang magdeklara ng martial law sa buong Pilipinas. Kung nagawa niya ito sa Maguindanao at wala tayong nagawa paano pa kaya sa buong bansa.

Sa kabila ng lahat ng ito dapat din nating pakinggan dahil mismong si Jojo Acuin ang nagsasabi na nasa atin pa rin ang huling baraha ng mga mangyayari. “Wala sa akin ang kapalaran ng tao. Sinasabi ko lang ang aking nadarama at nakikita. Ang Panginoong Diyos pa rin ang higit na nakakaalam sa kapalaran natin,” sabi ni Acuin.

Narito ang IBA PANG PREDIKSYON NI JOJO ACUIN.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →