Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, December 24, 2009

Maligayang Pasko Po!

Nais kong bumati ng isang MALIGAYA at MAKABULUHANG PASKO SA INYONG LAHAT! Sana po ay maging panahon ito upang ating lubos na maunawaang lahat ang tunay na diwa ng pasko. Ang pagkakapanganak kay Kristo sa sabsaban ay simbolo ng kababaang loob. Ang tatlong haring unang kumilala sa kanya ay simbolo ng pagkakita sa isang mabuting tao at dakilang lider sa simula pa lamang na hindi nakikita ng iba.

Nawa ay ating taglayin ang kababang loob at ang malalim na pag-unawa sa mga kinakaharap ng ating bayan. Ang pasko ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan at pagkaka-unawaan.

Para sa mga tagasubaybay ng "Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?", sa aking mga mahal sa buhay kasama na ang aking tatlong anak na sina John Dwight, Helen Cleodara at David Jr., pati na rin si Mei, ang aking mga kasamahan sa Brotherhood of Destiny (BROOD), mga KaPERLAS at kasama sa paghahangad ng pagbabago para sa ating bansa, mga kasamahan sa Generation Peace Network, mga kabarkada, kaibigan, ka Facebook at marami pang iba... NAGPAPASALAMAT AKO SA INYONG LAHAT!

Sana po ay maging makabuluhan ang paskong ito sa ating lahat.

MALIGAYANG PASKO PO!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: