Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, December 31, 2009

Nakakainis Talaga Minsan ang Ibang Tao!

Bagong Taon pa naman tapos pupuntahan ka ng kaibigan mo na madalas namang di mo nakikita tapos syempre yayayain ka para magkaroon ng konring kwentuhan at inuman tapos may isang tao na mag iinarte at palagi mong kailangang pakisamahan. (pagbigyan nyo na ako dito gusto ko lang maglabas ng pagka badtrip!)

Aba habang buhay na akong nakikisama sa kung sunu-sinong tao. Pakiramdam ko nga nakakulong ako sa kalagayan ko at pakiramdam ko higit pa rito sana ang narating ko kung hindi ganito kahirap ang landas na ibinigay sa akin.

Lagi na lang bang kailangang intindihin ang ibang tao? Minsan nakakasawa na rin na kapag di mo gusto o nasabihan ka ng hindi maganda ngingiti ka pa rin at magpapatawad at lalawakan ang iyong isip.

Masama ba makipagkaibigan at masama ba uminom? Nasa lugar naman ako kapag umiinom at ganito na talaga ako. Wala naman ako masamang ginagawa. Isa akong tao na mahalaga sa akin ang pakikisama sa iba at ang mga kaibigan.

Bakit? Simple lamang dahil lumaki ako na walang magulang at ang bawat araw ay kailangan kong labanan na ako lamang mag-isa.


Araw-araw nagtitiis dito sa bahay dahil hindi sapat ang kita at kulang ang pera. Halos walang extra dahil kailangang mag-ipon at nang makatapos ang mga anak ko. Nagtitiis ako na malayo sa mga anak ko kahit na bawat araw ay miss na miss ko sila at nagdurugo ang puso ko.

Kailangan kong magpakatatag at kailangan kong manindigan para sa mga anak ko at sa mga pangarap ko sa aking sarili, sa aking pamilya at sa bayan.

Pilit kang pagdududahan, pagbibintangan ng kung anu-ano, pati pa nga ng pagnanakaw ng pera na hindi mo naman ginawa. Pag nagsuhestyon ka o nagtanong tungkol sa isang bagay kalimitan magtataasan ang kilay at mamimis interpret ka... tapos kakaasaran ka na.

Hay naku! Sabi nga sa ibang dialekto ng ating bansa... Ambot sa imo!

Bagong Taon, dapat kalmado at masaya pero anong gagawin mo kung kahit anong gawin mo para maging masaya ay may taong mang iinis sayo at di ka maiintindihan. Kung alam lang nila kung gaano kahirap maging David Delano D'Angelo.

Napakadami ko nang pinagtiisan, pinagtitiisan at pagtitiisan pa... bawa't araw ay hamon sa aking buhay... bawa't hakbang ay dapat kong pag-isipan at tatagan sapagka't alam kong hindi ako dapat madapa at kung madadapa man ay dapat akong bumangon para sa aking mga anak at para sa bayan.

Minsan natatanong ko bakit pa nga ba kailangan akong makialam sa bayan at sa kapwa ko Filipino eh ano bang pakialam naman nila sa akin?

Sa tuwing tinatanong ko iyon at di ako makahanap ng sagot ay tila kusa na lang kumikilos ang aking katawan, isip at puso upang patuloy na magmalasakit.

Kaya sa mga hindi nakakaintindi sa akin, nagagalit, naiinis at naaasar... MANIGAS KAYO! PROBLEMA NINYO YAN AT HINDI KO PROBLEMA!

Hindi ako galit sa inyo at kaibigan ko pa rin kayo pero hindi ko pipilitin na maintindihan ninyo ako.

HAPPY NEW YEAR!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

4 comments:

AnonAnonot said...

Hay naku.. feeling mo naaapi ka... nagrereklamo ka dahil sinasabi mo madalang mo naman gawin.. ang nakakainis kc bakit naman kailangan pang makipag inuman kung pwede naman magkuwentuhan na lang ... bakit kailangan pang yayain para lang uminom... kasehodang madalang siya o madalas dapat ba maging ganon ang set up... mamamamatay ba kayo kung hindi kau iinom.. COMMON SENSE lang dba... iniiwas ko lang kayo sa posibleng mangyari... at MAHIRAP ANG MAG INTINDI...

talktomamah said...

once TRUST Is RUINED. mahirap maibalik un basta basta.. hindi un isang laruan na kapag binalik mo matutuwa ung pinagbigyan mo...

talktomamah said...

Ehehehe... si Mei yan... hindi lang naman yun ang sinasabi ko dito eh marami pang iba. Saka di naman maiiwasan talaga yun at sana maintindihan na lang. Besides di naman ako lasenggo yun nga lang medyo may kakulitan pag nakakainum. Peace out! Love you!

David D'Angelo said...

Ehehehe... si Mei yan... hindi lang naman yun ang sinasabi ko dito eh marami pang iba. Saka di naman maiiwasan talaga yun at sana maintindihan na lang. Besides di naman ako lasenggo yun nga lang medyo may kakulitan pag nakakainum. Peace out! Love you!