Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, December 1, 2009

Si Andres Bonifacio, ang Political Killings at ang Rebolusyon


Kahapon ginunita nating lahat ang Bonifacio Day o Araw ng Kapangangakan ni Andres Bonifacio. Masaya ang marami sapagkat mahaba ang bakasyon at walang pasok. Simple lamang ang paggunita. May mga nag-alay ng bulaklak, may mga isinabay ang rally at may mga ginamit ang simbulismo para magfile ng kanilang Certificate of Candidacy tulad nina Manny Villar, Bro. Eddie Villanueva at Erap Estrada.

Pero ano nga ba ang kahalagahan ni Gat. Andres Bonifacio at ng kanyang rebolusyon sa mga nangyyayari ngayon sa ating bayan?

Sinulat ko sa aking unang artikulo ang pagkakatulad ng Katipunan noon at ng Halalan 2010. Sa halalang ito tila may lumilitaw na similar ang ipinaglalaban kay Andres Bonifacio. Hindi pa man uso ang tinatawag na societal threefolding na sinimulan ni Nicanor Perlas ay tila alam na ito ng bayani.

Ayon sa Filipiniana.net ang Rebolusyon ng 1896 ay may tatlong mahalagang layunin...

The political aim was to fight for the independence of the Philippines from Spain. The moral aim was to teach Filipinos right conduct, cleanliness, to fight against blind obedience to religion and to overcome weakness of character. The civic aim was to help one's self and to defend the poor and the oppressed.

Malalim na hangarin ng pagkakaisa at pagbabago na pinutol ng isang kapwa bayani na naging bulag at hindi naintindihan ang ipinaglalaban na ito. Si Bonifacio ay isa sa mga unang naging biktima ng "political killings" kasama na si Gen. Antonio Luna na namatay din sa kamay ni Emilio Aguinaldo.

Ang laban ni Bonifacio at ng kanyang Magdiwang ay laban para sa isang mas malalim na pagbuo ng Pilipinas samantalang ang laban ng Magdalo ni Aguinaldo ay laban lamang para makalaya sa mga dayuhan.

Nagsimula ang pag-agawa na ito sa Tejers Convention kung saan dinaya siya at binastos. Kahit na hindi kumpleto ang mga kinatawan ng ibang probinsiya ay nagpatuloy ang halalan at nanalo nga si Aguinaldo bilang Pangulo. Si Bonifacio ang ikalawang may pinakamataas na boto subalit hindi siya ginawang Bise Presidente dahil walang sumegunda dito.

Gaya nga ng alam nating lahat nahalal si Bonifacio bilang Directormof the Interior subalit ito ay tinutulan ni Daniel Tirona. Dahil sa mga pangyayari ay hindi na rin iginalang ni Bonifacio ang nangyaring botohan. Dahil dito siya ay kinasuhan ng pagtataksil, dinakip, nilitis at nahatulan kahit kulang ang ebidensiya. Sa halip na hatulan ng kamatayan ay exile ang ibinigay ni Aguilaldo subalit dahil sa sulsol daw ng iba ay binawi rin niya ito.

Pinatay ang magkapatid na Bonifacio sa Maragondon noong May 10, 1897. Sinabi ni Apolinario Mabini na marami ang nawalan ng gana sa reblusyon dahil dito kasama na sina Emilio Jacinto, Julio Nakpil at Macario Sakay na kailanman ay hindi nagpailalim kay Aguinaldo.

Sa pangyayaring it makikita rin ang pagbaliktad ng karamihan sa nakalalamang na si Aguinaldo. Matalino raw, mas maraming panalo at mas may kakayahan pero di hamak na inagaw niya ang tunay na rebolusyon at pagbabago na mas makabubuti sana sa ating bansa.

Walang pagbabagong magaganap kung hindi kasamang babaguhin ng pulitika, ang kultura, at ang kalooban ng bawat Filipino.

Sa nangyari sa Maguindanao tila lumalala ang karahasang pampulitika at agawan ng kapangyarihan. Walang gustong magpadaig at ito rin ang kinahantungan ni Andres Bonifacio.

Sa halalan 2010 ating isipin, ano nga bang pagbabago ang gusto natin? Isang pagbabago na mapalitan lamang ang lider na nakaupo sa Malakanyang o isang pagbabago para likhain ang Pilipinas na matagal na nating inaasam?

Pag-isipan po natin.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: