Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, December 30, 2009

Ugali ni Juan: Cramming on the Last Minute at Mañana Habit

Sanay na sanay daw tayong mga Pinoy na magmadali sa pinakahuling oras para sa anumang bagay.  Tulad na lamang ng eksena sa huling araw ng voter's registration ay kitang-kita na naman ang pagbuhos sa huling araw ng Voters Registration kung saan tiyak na mahahaba na naman ang pila dahil lahat ay humahabol at nagkukumahog.

Sa mga proyekto sa paaralan at maging sa opisina sanay na sanay daw tayong hintayiin ang deadline bago gawin ang proyekto at magpuyat isang araw bago ito isumite para matapos lamang.  Ito ang Pinoy Cramming at Mamaya Na Habit.

Madalas ay nakakasama rin ako sa mga ganito lalo pa sa mga ginagawa kong research works para sa mga estudyante.  Sa akin naman ang katwiran ko ay madali namang gawin ang mga iyon kaya huwag ko na munang unahin.... pero madalas ay nalalate pa rin ako sa paggawa dahil ang mangyayari ay aabutin pala ng matagal ang paggawa doon.

Konektado ba ito sa "MANYANA" o "Mamaya Na" habit ng mga Pinoy?  Sa palagay ko oo.  Marami sa atin ang sanay na magpabukas ng ating mga gagawin na puwede naman nating gawin na ngayon.

Hindi lamang sa mga proyekto o sa pagpila sa COMELEC ito makikita kundi maging sa inaasam nating pagbabago sa ating bansa at sa ating buhay bilang mga Filipino.

Palaging sinasabi ng marami na mahabang proseso raw ang pagbabago at hindi puwedeng madaliin. Kaya nga palagi ko ring natatanong sa aking sarili gaano ba katagal ang sinasabi nilang proseso kasi simula nung bata ako ito na ang pagbabago na tila napakatagal nang inaasam.

Tuwing eleksyon lahat nangangako ng pagbabago subali't kapag nakaupo na wala namang pagbabago tapos tatakbo ulit sila at mangangako at iboboto naman natin ulit... HUWATTTTTTTTT... ganun ba talaga tayo.

Kung gusto natin ng pagbabago hindi ba dapat simulan na natin ito ngayon at huwag nang ipagpabukas.  Tama na ang ating manyana habit at tama na ang cramming.  Ang kagandahan lang kasi ng may deadline ay alam natin kung kelan yun pero sa ating bansa at sa kinabukasn ng bawat isa sa ating hindi natin alam ang deadline kaya baka bago pa man tayo magcramming e huli na pala ang lahat.

Ang magagawa natin ngayon huwag na nating ipagpabukas.

Hindi ba iyan din ang isa sa mga gustong mangyari ng ating bayaning si Gat. Jose Rizal na ating inaalala sa araw na ito.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: