Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, December 29, 2009

Wondergirls Nobody, Nobody But You: Isang Aral

"Nobody, Nobody but YOU," ito ang pinakasikat na kanta ngayong taong 2009 na kinanta naman ng Korean group na Wondergirls. Madaling indakan, masaya at nakakaaliw ang tugtog. Pero higit doon ay may sinasabi rin ang kantang ito sa bawat isa sa atin na dapat nating makita at maisabuhay.

"NOBODY, NOBODY BUT YOU" sa Filipino, "Wala na, Wala nang iba ba kundi Ikaw!"

Simple lamang ang mensahe nito kung tutuusin. Ito ay nagsasabi na wala ng iba pang solusyon sa ating problema sa buhay at sa bansa kundi "IKAW", "TAYONG LAHAT... ANG BAWAT ISA SA ATIN".

Hindi natin dapat isisi sa kahit kanino ang ating kahirapan. Hindi rin tayo dapat umasa lamang sa isang tao o sa isang kandidato. Bakit? Sapagka't ang lahat ng ito ay bigo sa simula pa lamang.

Walang pagbabagong mangyayari kung ito ay hindi magsisimula sa sarili at para sa isang bansa para magkaroon ng pagbabago kailangan tayong magtulungan.

Kaya po pasintabi na pero hindi ako naniniwala na si Manny Villar ang magtatapos sa ating kahirapan sapagka't hindi niya iyan magagawa. TAYO ANG MAGTATAPOS NG ATING KAHIRAPAN.

Hindi rin si Noynoy Aquino ang ating pagasa sapagka't TAYONG LAHAT ANG PAG-ASA.

Hindi rin si Nicanor Perlas ang sagot sapagka't siya lamang ang dahat at TAYONG LAHAT ANG MAGBABAGO NG PILIPINAS.

Kailan? Bukas ba o sa darating na panahon pa?

Hindi... sapagka't ANG PANAHON AY NGAYON NA!

Sabi nga ng Wondergirls sa ibaba NOBODY... NOBODY... BUT YOU!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: