Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, January 8, 2010

Ang Balagtasan at si Makata Tawanan (with Video)

Noong nasa Elementarya ako ay uso ang tula na may tono pero nang lumipas ang panahon ay ipinagbawal nang tumula ng may tono. Hindi ko maintindihan kung bakit nga ba ito talaga ipinagbawal at binago ang pagtula.

Nang mapanuod ko sa Talentadong Pinoy at mapakinggan si Makata Tawanan ay muli nakita ko ang isa sa mga tunay na sariling kultura ng ating bansa. Isang kultura na tila pinatay na ng makabagong panahon.

Ang paraan ng pagtula na may tono ay tinatawag na Balagtasan. Ayon nga sa Wikipedia, "Ang balagtasan ay isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli (rhyme). Isa itong uri ng pagtatalo ng dalwang magkaibang panig ukol sa isang paksa."

Sa mabilis na pagbabago ng panahon at tila kawalan na rin ng pagbibigay ng halaga ng mismong pamahalaan sa ating kultura ay nanganganib na matabunan na ang ating pagkakakilanlan bilang isang tao. 

Ang Balagtasan bilang bahagi ng ating kultura ay dapat panatilihin at patuloy na pagyamanin.

Ang kultura ang ating "identity" at kaluluwa bilang isang bansa at kung mawawala ito ay isa tayong bansa na walang kaluluwa.

Narito po ang mga nakakagiliw na tula at Balagtasan mula kay Makata Tawanan...


Makata Tawanan 1st Week Championship


Makata Tawanan 2nd Week Championship


Makata Tawanan 3rd Week Championship


Sayo Makata Tawanan saludo kami!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments: