Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, January 23, 2010

Ang Kampanya at Pondo sa Bagong Pulitika (Campaign and Funds in New Politics)

Ano nga ba ang isang kampanyang nakabase sa Bagong Pulitika? Paano nga ba ang PONDO SA BAGONG PULTIKA?

Para sa akin sa bagong pulitika, ang taumbayan at ang bawat isa ang may-ari ng kampanya at hindi ang kandidato lamang, kaya nga tayong lahat ang may pananagutan at taya dito. Kung para ito sa ating lahat hindi ba dapat na lahat tayo ay tumutulong at umaambag para sa kampanyang ito sapagkat sa katotohanan kapag nanalo ang ating kandidato ay tayo rin naman ang nanalo.

Ang pondo para sa bagong pulitika ay hindi lamang dapat nanggagaling sa partido at sa mga kandidato subali’t galing din ito dapat sa bawat isa sa atin na naniniwala sa kandidato at sa kanyang mga plataporma. Tayo ay namumuhunan para sa kinabukasan ng ating bansa. Kung tayo ay namumuhunan para sa kinabukasan n gating bansa siguradong makukuha natin ang inaasam nating tagumpay at pangarap.

Sa tradisyunal na pulitika karaniwan ay binabayaran ang mga taong nangangampanya para sa kanila at sa kanila lahat nanggagaling ang pondo. Kung titingnan ito tayo ay parang mga empleyado ng kandidato at partidong ito at hindi tunay na kaisa sa pagbabago ng ating bansa. Wala tayong boses at walang hindi natin maaasahang kailangan pa tayo ng mga kandidato pagkatapos ng eleksyon dahil nabayaran na rin naman nila tayo.

Hindi dapat maging negosyo ang pulitika. Mababago lamang natin an gating bansa kung sisiguraduhin natin na gagawin ng mga kandidato ang kanilang mga sinasabi at ipinapangako. Magagawa lamang natin ito kung aalisin natin ang negosyo sa larangan ng pulitika. Angkinin natin ang kampanya, makiisa tayo at tunay na sumama sa pagbabago bilang mga taong kaisa at kasangga ng mga kandidatong ating pinaniniwalaan. Panagutin natin sila sa kanilang mga pangako at mga gampanin. Paano natin ito magagawa? Magagawa natin iyon kung tunay tayong bahagi ng kanyang pamamahala at pamahalaan. Magagawa lamang natin iyon kung tunay tayong nagbigay ng ating ambag at taya sa kanyang kampanya.

(VIEW ENGLISH VERSION HERE)

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: