Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, January 26, 2010

Ang Mulat Pinoy at Eleksyon 2010

Isang pagsaludo at pasasalamat sa isang ideya na naglalayong maibahagi sa mamamayang Filipino ang mga hangarin at plataporma ng mga kandidato sa 2010... ito ang MULAT PINOY.

Ang Mulat Pinoy ay isang proyekto na pinagsasamahan ng Philippine Center for Population and Development at the Probe Media Foundation, Inc.

Layunin nito na palawakin ang kaalaman ukol sa mga isyung pangpopulasyon at hikayatin ang mga kandidato sa 2010 na isama sa kanilang plataporma at tugunan ang mga isyu ng "population development."

Upang marating ang layuning ito ay inilunsad nila ang www.mulatpinoy.ph para mapagsama-sama ang mga lathalain, usapan at iba pang bagay ukol sa "population development". Matatagpuan dito ang iba't-ibang blog posts, news reports, forum discussions, videos at iba pa. Ang lahat ng materyales na ito ay nasa free public domain at pwedeng gamitin ng lahat ng walang bayad.

Isa pa sa mga proyekto ng Mulat Pinoy ang Kapihan Sessions upang makausap ang mga tumatakbo sa halalang 2010. Ang unang kapihan noong Enero 16 ay tumalakay sa isyu ng Kalikasan at nakasama nila dito sina Nicanor Perlas at JC delos Reyes na kapwa tumatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.

Abangan ang mga susunod nilang Kapihan Sessions sa mga araw na nasa ibaba.


January 30 - Population and Housing
February 13 - Population and Food Supply
February 27 - Population and Education
March 13 - Population and Health
March 27 - Employment
April 10 - Synthesis.

Ang mga Kapihan Sessions ay ginagawa sa Bo’s Coffee Glorietta 5 from 2 to 4 pm. Ito po ay bukas sa publiko kaya lahat kayo ay pwedeng pumunta.

Iniimbitahan ko po kayo na makiisa at kilalanin ang ating mga kandidato. Sa mga gustong pumunta pwede kayong tumawag sa 4330456 (tel), 4330457 (fax) o mag e-mail sa ymapua@probefound.com, probefound@yahoo.com, o mulatpinoy@probefound.com.

Isang pagsaludo sa Mulat Pinoy at sana ay maging daan ito upang mas maging mulat pa ang ating mga kababayan. Mabuhay kayo at Salamat!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

kelay said...

i think senator villar has a strong personality...one of the requirements to be a president