Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, January 13, 2010

Ang Taya ni Danding (Danding Cojuangco's 2010 Bet)

Isang artikulo sa balita ang nagsasabing wala raw susuportahang kandidato sa pagkapangulo ang Nationalist People's Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco at mananatili raw silang "neutral".

Neutral nga ba o talaga lang ito ang paraan ng pagtaya ni Danding Cojuangco sa Halalan 2010?

Sa darating na halalan ay talagang pinakamainam para kay Danding at sa NPC na huwag magbigay ng suporta sa kahit sinong kandidato sa pagkapangulo. Bakit? Simple lamang sapagka't mas magandang marami kang taya kesa isa lang.

Una, nakataya si Danding Cojuangco kay Manny Villar sa pamamagitan ng Bise Presidente nito na si Loren Legarda. Taga NPC si Legarda at natural na ang pagpayag nito kay Villar ay may basbas din ng NPC.

Pangalawa, tiyuhin naman ni Noynoy Aquino si Danding Cojuangco. Kapag nanalo si Noynoy tiyak na mapapaburan ang interes ni Cojuangco. Hindi ba at nanahimik ito hinggil sa suporta sa kanyang pamangkin?

Pangatlo, tiyuhin rin ni Gilbert Teodoro si Danding at tiyak na pagnanalo si Gibo ay panalo na naman ang interes ni Danding. Sinasabi pa nga na ang ilan sa mga kontribusyon na natanggap ni Gibo ay galing mismo sa poder ni Cojuangco.

Kumbaga sa sugal si Danding at ang NPC ay pumupusta hindi lamang sa iisa kundi sa tatlong kandidato, ika nga sa lotto mas marami kang taya ay mas malaki ang pagkakataon mong manalo.

Mag-isip-isip po tayo kung sino ang ating iboboto sapagkat ang hindi natin alam ay malaki ang papel na gagampanan ng desisyon natin sa 2010 sa kinabukasan ng ating bansa.

Wala nga bang kinakampihan ang NPC o mautak lamang talaga si Danding?


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Princess Dchanted said...

Hacienda Luisita's past haunts Noynoy's future
http://bit.ly/7TQjXj

David D'Angelo said...

Real change will come from within us.