Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, January 10, 2010

Arnis is National Martial Arts sa Wakas!


Sa wakas National Martial Arts na ang Arnis! Salamat sa ating mga mambabatas at sa kay Gloria Macapagal-Arroyo sa paglagda sa batas na ginagawang National Martial Arts ang Arnis.

Ang Arnis na galing sa salitang Spanish na "arnes" ay nangangahulugan na panangga o "armor". Kilala ito sa buong bansa at maging sa ibang bansa. Subalit sa loob ng maraming taon ay naging pangalawa lamang ito o pangsegunda sa iba bang martial arts na tulad ng taekwondo, judo at karate.

Kung hindi pa nga nagdelikado na mas makilala ang ibang bansa sa Arnis ay mukhang hindi pa sana magigising ang ating pamahalaan na panahon na upang bigyan ito ng nararapat na pagkilala.

Kilala rin ang arnis na eskrima, kali, garote at iba pang katawagan sa iba't-ibang rehiyon. Kasama sa mga gamit nito ang pares ng kahoy bilang siyang armas. Bahagi rin ng arnis ang mano-manong pakikipaglaban.

Ilan sa mga nagpasikat mula sa Arnis ang action star at ngayon ay Optical Media Board Chairman na si Ronnie Rickets sa pelikulang “Mano Mano 3 Arnis ... The Lost Art.”. Nakilala rin ito sa Hollywood sa pamamagitan ng Fil-Am martial arts instrucor na si Dan Inosanto sa pelikulang “The Bourne Identity,” at ginamit din ito sa mga pelikulang “Mission Impossible 3” at “Lara Croft Tomb Raider: The Cradle of Life”.

Naisabatas ang pagsasanational art ng Arnis sa pamamagitan ng Republic Act 9850 na nilagdaan ni Arroyo noong December 11, 2009.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →