Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, January 8, 2010

COMELEC Has No Regard for the Law! Be Ashamed COMELEC!

"Di naman nasusunod yung 5 days. Ang dami namin ginagawa dito!" Iyan ang sagot ng isang clerk of court sa COMELEC nang tanungin ng Secretariat ng Partido ng Marangal na Samabayan (PANGMASA) ang tungkol sa resulta ng apila para kay Nicanor Perlas.

Ayon sa batas dapat sa loob ng 10 araw pagkatapos ng pagdinig sa isang petisyon ay dapat may desisyon na ang COMELEC ukol dito subalit mula December 28 hanggang ngayon January 8, 2010 ay 11 araw na ang nakalilipas.

Kung "working days" naman ang pagbabasihan ay pang 5 na araw na rin ito. Ayon naman sa sinasabi ng COMELEC ay hanggang January 11 pa dapat ang desisyon. Hmmm... ang gulo ah. Kaya mas maganda sana kung mailalabas na ang desisyon hinggil sa apila sa kaso ng diskwalipikasyon laban kay Nicanor Perlas.

Hindi lang mga tagasuporta ni Perlas ang nag-aalala ukol dito at nagdududa na sa kakayahan ng COMELEC. Maging ang Green Party ng France at Australia Green Party ay nagpadala na rin ng kanilang sulat sa COMELECT.

Ngayong araw na ito ay mismong ang senador na si Bob Brown ng Australia ang sumulat sa COMELEC. Sinasabi niyang si Perlas ay isang maliwanag na pagpipilian sa halalan ng 2010 kung kalikasan at tunay na pagbabago ang titingnan.

Ano ba ang dahilan at napakatagal kumilos ng COMELEC. Ah busy nga pala sila sa automation at gaya nga ng alam na ng lahat ay halos wala ring nasunod sa mga schedule ng automation ang COMELEC... LAHAT AY DELAYED.

Sa termino yata ni Gloria Macapagal-Arroyo tila nabastos ng husto ang lahat ng batas sa ating bansa. Tulad ng sa COMELEC paano ito paniniwalaan kung ang mga simpleng bagay na gaya nito ay hindi nila magawa.

Hinihintay na lang ba nila na magsawa si Nicanor Perlas at ang mga tagasuporta nito sa kakaantay sa sagot nila? Pwes PARA SA KAALAMAN NG WALANG KUWENTANG COMELEC... HINDI PO KAMI MAGSASAWA!

Binastos ninyo ang aming piniling kandidato! Binastos ninyo ang mamamayang Filipino! Binastos ninyo ang kalikasan! Binastos ninyo ang ating batas!

Tama bang sabihin na HINDI NAMAN DAW NASUSUNOD ANG BATAS! Kung hindi nasusunod ang batas aba magbitaw na kayo dyan.

Kung puro ganito lamang ang makikita natin mas maganda siguro na tuluyan na ngang magresign si COMELEC Chairman Jose Melo. Tila yata di na siya bagay doon.

Sana sundin ninyo ang batas! Talaga bang lantaran na ang ganito sa ating bansa?

NAKAKAHIYA KAYO!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: