Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, January 5, 2010

Juvenile Justice and Welfare Act: Tulong o Perwisyo?

Mahigit tatlong taon matapos maipasa ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (Republic Act 9344) siguro maitatanong ng marami kung tulong nga ba ito sa mga kabataan o isang malaking pagkakamali?

Sa nagdaang tatlong taon dumami ang mga batang kriminal na ginagamit ng mga sindikato at naglalakas loob na gumawa ng masama. Bakit? Dahil hindi sila puwedeng ikulong at kasuhan.

Pinagbabawal sa RA9344 na ikulong ang mga bata edad 15 pababa. Bagkus kapag sila ay nahuli dapat sila dalhin sa DSWD at bigyan ng counseling o dalhin sa isang "children's home" para raw marehabilitate.

Ang gagawin ng karamihang mga bata ay tatakas at babalik sa dating gawain.

Ngayong araw na ito ay nanuod ako ng I-Witness na kung saan ang usapan ay tungkol sa mga batang pirata. Puro bata ang mga nagnanakaw sa mga barko at ito ay lantarang pagnanakaw. Puwede mo ba silang ipakulong? Ang sagot ay HINDI.

SEC. 5. Rights of the Child in Cofict with the Law.
- Every cwd in conflict with the law shall have the following rights, including but not limited to:

(a) the right not to be subjected to torture or other cruel, inhuman or degrading treatment or punishment;

(b) the right not to be imposed a sentence of capital punishment or life imprisonment, without the possibility of release;

(e) the right not to be deprived, unlawfully or arbitrary, of his/her liberty; detention or imprisonment being a disposition of last resort, and which shall be for the shortest appropriate period of time;

(d) the right to be treated with humanity and respect, for the inherent dignity of the person, and in a manner which takes into account the needs of a person of his/her age. In particular, a child deprived of liberty shall be separated from adult offenders at, all times. No child shall be detained together with adult offenders. He/She shall be conveyed separately to or from court. He/She shall await hearing of his/her own case in a separate holding area. A child in conflict with the law shall have the right to maintain contact with his/her family through correspondence and visits, save in exceptional circumstances

(e) the right to prompt access to legal and other appropriate assistance, as well as the right to challenge the legality of the deprivation of his/her liberty before a court or other competent, independent and impartial authority, and to a prompt decision on such action;

(f) the right to bail and recognizance, in appropriate cases;

(g) the right to testify as a witness in his/her own behalf under the rule on examination of a child witness;

(h) the right to have his/her privacy respected fully at all stages of the proceedings;

(i) the right to diversion if he/she is qualified and voluntarily avails of the same;

(j) the right to be imposed a judgment in proportion to the gravity of the offense where his/her best interest, the rights of the victim and the needs of society are all taken into consideration by the court, under the principle of restorative justice;

(k) the right to have restrictions on hi/her personal liberty limited to the minimum, and where discretion is given by law to the judge to determine whether to impose fine or imprisonment, the imposition of fine being preferred as the more appropriate penalty;

(I) in general, the right to automatic suspension of
sentence;

(m) the right to probation as an alternative to imprisonment, if qualified under the Probation Law;

(n) the right to be free from liability for perjury, concealment or misrepresentation;

Sa dami ng proteksyon nila mukhang sinasamantala ng mga kriminal at mismong ng mga bata ang batas na ito. Sino ba ang dapat sisihin ang batas, ang mga bata, ang mga magulang o ang lipunan?

Kayo sino ba sa palagay ninyo?

Sa palagay ko ay hindi natin dapat sisihin ang mga batang ito sapagka't kung tutusin ang unang gumagabay dapat sa kanila ay ang kanilang mga magulang.

Paano naman sila mabibigyan ng tamang gabay kung ang pamilya naman ay lugmok sa kahirapan at walang pagkakataon na makaangat sa lipunan o mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak.

So sa huli pala lipunan ang dapat sisihin?

Hindi rin siguro. Sapagka't kung talagang gusto natin ay kaya naman nating gawin ang nararapat at magsumikap para sa ating pangarap. Iyan din ang paniwala ko at marahil ng marami pa.

Subalit sa huli kapag wala na talagang pagkakataon ay masasabi mong malupit nga ang lipunan at tila walang puwang para sa isang magandang bukas.

Ang isang batas na tulad ng Juvenile Justice and Welfare Act ay hindi lamang dapat proteksyon ang ibinibigay kundi isang paraan upang maprotektahan ang mga bata hindi lamang sa kaso kundi proteksyon laban sa kalupitan ng kahirapan at kawalang pag-asa. Karapatan para mabigyan ng edukasyon at magandang bukas. Ito ang higit na importante sapagka't ito ang tunay na magsasalba sa kanila sa isang kinabukasang sadlak sa krimen at isang salot sa lipunan.

Marami tayong magagandang batas subalit tila hindi ito napapatupad ng maayos o kung mapatupad man ay tila hilaw at bitin.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Juvenile said...

Hi Sir, may we know where the photos of these kids in jail were taken?