Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, January 21, 2010

‘Let Congress take over in case of failure of elections’ MANIGAS KAYO!

Ipinanukala ng tatlong mambabatas noong Miyerkules ang isa raw solusyon kung sakaling magkakaroon ng "failure of elections" sa Mayo. Ang solusyon raw na ito ay hayaan ang mga mambabatas na pamahalaan ang bansa sa pamamagitan ng pag extend ng kanilang termino sa loob ng anim na buwan.

ANO SILA HILO? TANGA BA ANG MAMAMAYANG FILIPINO? WAG NA UY!

Ang House Bill 7108, o "Holdover Act of 2010," ay sinasabing ang mga kasalukuyang miyembro ng Senado at Kongreso ay hahayaang magpatuloy na manungkulan hanggang ang kanilang mga kahalili ay maiproklama at makaupo. Ang galing ano?

Ang mga magigiting na mambabatas na ito ay sina Nueva Ecija Rep. Edno Joson, Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla, at Tarlac Rep. Jeci Lapus bilang tugon raw sa takot na baka hindi matuloy ang eleksyon sa Mayo.

Kaya po ngayon pa lang nakikita na natin ang mga pansarili nilang interes sa darating na halalan. Mga ganid sa kapangyarihan. Mahiya naman kayo!

Pwede namang iba ang magtakeover ng pamahalaan kung saka-sakali hindi ba? Bakit hindi ang Supreme Court o iba pang independent body. At saka hindi ba dapat ang una nilang atupagin ay siguraduhing matutuloy ng maayos ang halalan sa Mayo o natatakot ba sila na matanggal na sila sa pwesto.

Magising sana ang mga constituents ng mga kongresista na ito at HUWAG NA SILANG IBOTO!

Narito po ang kabuuan ng balita mula sa GMA News.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: