Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, January 4, 2010

Maguindanao Massacre DVD For Sale? Ang kakapal Nyo!

Sa mga nagbebenta at gumawa ng Maguindanao Massacre DVD isa lang ang msasabi ko, "ANG KAKAPAL NG MUKHA NINYO!"

Isang matinding kawalanghiyaan at katarantaduhan ang pagkakitaan ang mga naging biktima ng karumaldumal na Maguindanao Massacre. Patay na nga yung mga tao, binastos na at binaboy tapos gusto pa ninyong ipakita sa lahat.

Kanino kaya galing ang mga DVD o footage na ito?

Sabi ng PNP at militar ay hindi raw galing sa kanila. Aba eh sino kaya ang tao dun na may kakayahang kumuha ng mahigit sa 2 oras na video ng paghuhukay na walang makakakita. Alangan naman napadaan lang yung kumuha doon para bumili ng suka tapos nilabas na ang kanyang camcorder.

Baka naman isang blogger na may vlog tapos gusto na makuhaan lahat? Hmmm... hindi kaya ito rin ang nagpakalat ng Hayden Cam videos? (joke lang po)

Ngayon-ngayon lang ay niraid ng Optical Media Board (OMB) sa pangunguna ni Chairman Ronnie Rickets ang mga nagtitinda ng DVD na ito sa Quipo at ilan pang lugar. “Maguindanao Massacre Live” ang titulo ng ibinebentang video.

Hanep ano parang boxing fight lang "Live". Kakapal talaga ng mukha nyo!

Ayon naman sa National Bureau of Investigation (NBI) ay huhulihin nila at kakasuhan ang sinumang magbebenta o maguupload ng video sa internet tungkol sa nasabing Maguindanao Massacre DVD... sana nga po at magdusa sila!

Nakikiisa rin po ako sa panawagan ng mga biktima na sana po ay huwag na tayong bumili at tangkilikin ang video na ito.

Salamat po!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →