Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, January 26, 2010

Maligayang Kaarawan Tita Cory (Happy Birthday Cory Aquino)

January 25 ay Birthday ni Tita Cory Aquino at dapat nabati ko siya saan man siya naroon kaso medyo naging busy rin ako at pagod sa araw na ito. Pero huli man daw at magaling ay naihahabol pa rin.

Si Cory Aquino ay malaki ang naiambag sa ating bansa. Hindi man siya perpekto pero aminin natin ay naging instrumento sya upang maibalik ang demokrasya sa ating bansa. Pero maliwanag na hindi siya ang dahilan dito sapagkat ang tunay na dahilan ay ang pagnanais nating lahat na maibalik ang ating kalayaan.

Sa kaarawan ni Tita Cory ay dapat nating ipagbunyi ang regalo ng Poong Maykapal sa ating bansa sa kanyang katauhan. Ang kanyang katatagan at lubos na pagmamahal sa ating bayan ay ipinapakita lamang sa atin ang pagmamahal na katatagan na dapat lahat tayo ay gumagawa.

Ang sinasabing "legacy" ni Tita Cory ay ang kanyang wagas na pagmamahal sa ating bayan at paghahangad ng tunay na pagbabago at pagkakaisa. Ito ang kanyang iniwan sa atin at hindi ang makitid na pagtingin sa paglilingkod sa bayan. Hindi rin niya sinabi na ang kanyang pamilya lamang ang dapat makapagpatuloy nito sapagkat ang kanyang mensahe ay tayong lahat lamang ang makapagbabago ng ating bansa.

Kung hindi natin makukuha ang mensaheng ito ay maliwanag na binigo natin si Cory Aquino at maging si Ninoy Aquino. Sa kaarawan ni Cory Aquino ay makita sana natin ang mas malawak na pakahulugan sa kanyang ambag sa ating bansa... KALAYAAN AT PANTAY NA kARAPATAN.

Belated Happy Birthday Corazon "Cory" Cojuanco-Aquino.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: