Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, January 4, 2010

No to MMDA Female Urinals!

NO TO MMDA FEMALE URINALS! Yan ang sigaw ko kung hindi rin lang nila mapapanatili ang kalinisan ng mga ito. Nakita nyo na ba ang mga male urinals na nagkalat sa Metro Manila? Naamoy nyo na rin ba kung gaano kapanghe at nakita nyo ba kung gaano nakakarimarim ang itsura ng mga urinals na ito?

Magaamoy comfort room ang buong Metro Manila pag nagkataon. Maganda nga kung magkakaroon ng female urinal pero sana naman ay mas hygienic at mas mamamaintain ang mga urinals na ikakabit at hindi papabayaan.

Mukha namang hindi yata man lang nalilinis ang mga urinals at bukod pa dun ang desenyo ay mukhang hindi akma. Nakita natin ang mga male urinals kung saan talagang nababalot ito ng hindi magandang anyo at syempre mahirap namang linisin ito kung sobrang dumi na kaya dapat ay araw-araw nalilinis ito.

Hindi ba pwedeng mga "enclosures" o parang portalet ang ikabit para naman mas mukhang desenteng tingnan. Tapos payag din ako na may maintenance fee kahit piso o limamg piso para ambag nila sa pagpapanatiling malinis nito. At sana kung mayroon yun ay ihulog sa tamang lalagyan at huwag kukupitin ng mga nagbabantay.

Maganda ang naiisip ng MMDA na female urinal pero PLEASE LANG NO TO FEMALE URINALS muna until malaman nating maayos ito at mapapanatiling malinis... PLUS... PAKILINIS NAMAN NG MGA NAGKALAT NA MALE URINALS!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: