Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, January 13, 2010

Osang Nilait Nga Ba Ang Mga Guro o May Katotohanan din sa Sinabi?

Nasuspinde ng 20 araw ang palabas na Showtime ng ABS-CBN matapos na laitin daw ni Osang ang mga guro ng sabihin niya na, "Teachers were just repeaters. Tinuturo nila kung anong naituro sa kanila hindi na nila itinuturo kung anong gustong malaman ng mga bata." Totoo ba o hindi?

Para sa akin ay may bahid ng katotohanan ang sinabing ito ni Osang, ang tanging pagkakamali nga lang niya ay nilahat niya ang mga guro at tinuruan pa nya ang sinasabihan na murahin ang kanyang guro (maling mali at "below the belt"). Mayroon naman talagang mga guro na repeaters at nagpapakapagod na pagandahin ang kanilang pagtuturo.



SHOWTIME Sinuspende si Osang Dahil "Teachers Are Just Repeaters?"


Sa mga may anak na nag-aaral pansinin ninyo kung paano nagtuturo ang karamihan ng paaralan. Hindi ba karamihan sa guro ay nagagalit pag nagtatanong na ang mga bata sa kanilang itinuturo? May mga guro na nakakahon lamang sa libro at sa pagtuturo na "memorization", "analogy" at "enumeration" lang ang kayang gawin.

Kagaya na lamang ng subject na history. Paano ba talaga ito dapat ituro para maging interesante at may kahalagahan sa kasalukuyang panahon? Hindi ba dapat na ang mangyari dito ay matuto sa mga leksyon ng kasaysayan at magamit ito para sa hinaharap? Subalit ang tanging ginagawa ng mga guro ay ipatanda sa mga estudyante ang pangalan ng tao, pangalan ng lugar, mga dates ang kung anu-ano pa. May natutunan ka ba talaga sa ganun?

Maganda rin ang sinabi ni Osang, "Huwag kang makukuntento sa sinabi ng libro at ng teacher, magtatanong po kayo hindi masama iyon." Anu naman ang masama doon? Hindi ba totoo naman iyon.

Bakit nga ba nagagalit ang karamihan kay Osang? Dahil ba sa sinabi niya o dahil hindi natin matanggap na ang isang kagaya ni Osang na sa karamihan ay isa lamang sexy star ang sasampal sa atin ng isang katotohanan.

Huwag tayong masyadong balat sibuyas. Uunlad lamang tayo kung kasabay ng pagjingi natin ng hustisya sa pagkainsulto ay atin ding tingnan ang puwing at kamalian sa ating sariling katauhan.

Para sa mga guro na naapektuhan mas maganda na gawin natin itong hamon upang higit pang mapagbuti ang ating pagtuturo. Kung hindi ito totoo bakit tayo magagalit di ba? Marahil kaya may mga nagalit ay dahil totoo.

Sabi nga ng kasabihan, "Bato-bato sa langit ang tamaan bukol."


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

7 comments:

Anonymous said...

im an avid supporter of Noynoy Aquino and i think osang has a point...

David D'Angelo said...

Anu naman kinalaman ni Noynoy Aquino sa isyu na ito?

pearlpearl said...

tsa nga....anong kinalaman ni noynoy?

pearl said...

teacher ang mother ko. at sa mga katulad nyang naging advisers at teacher ko,sumasaludo po ako sa kanila....gabi-gabi nakikita ko si mama nagumagawa nG lesson plan, nagdradrawing ng mga caricatures para sa mga studyante nya

pearl said...

AT KUNG ANU ANO PA ..KAYA MASAKIT PARA SA AKIN ANG PANGHUHUSGA NA GINAGAWA NG IBANG TAO SA MGA GURO..KUNG ALAM LANG SANA NILA NA ANG GINAGAWA NG MGA GURO SA LIPUNAN AY WALANG KABAYARAN...
ANG MGA GURO LIBAN SA MGA SARILI NATING MGA MAGULANG ANG HUMUHUBOG SA TIN....
KUNG WALA SILA...PANU NA LANG TAYO???
KAYA KUNG TATANUNGIN NATIN KUNG SINO ANG MAY PGKUKULANG,WELL HINDI ANG GURO YUN KUNDI ANG SISTEMA NG EDUKASYON SA BANSA..AT ANG KURUPSYON NA GINAGAWA NG MGA TAO NA NA SA ITAAS....

pearl said...

KAYA NAMAN SANA NG BUDGET SA EDUKASYON ANG PAG ANGKAT NG MGA BAGONG TEKNOLOHIYA...PARA SA ISANG EFFECTIVE AT EFFIECIENT NG PAGTUTURO...PERO BAKIT HANGGANG NGAYOY MARAMI PA RIN SA MGA STUDYANTE ANG IGNORANTE SA MGA COMPUTERS????

David D'Angelo said...

Sumasang-ayon ako sa sinabi mo na dapat mas mapaganda ang edukasyon sa ating bansa lalo pa at sa ngayon ay napag alaman na nahuhuli pa tayo sa Tanzania pagdating sa sistema. Maraming magagaling na guro at marami rin ang magagaling sana pero hindi nabibigyan ng pagkakataon.