Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, January 30, 2010

Sen. Manny Villar, Ano nga Ba Ang Katotohanan? (Sen. Manny Villar What is the Truth?)

Sa buhay simple lamang ang prinsipyo ko, kung wala kang kasalanan harapin mo ang problema mo at humarap ka sa mga nagaakusa sa iyo. Subalit tila kabalintunaan ang ginagawa ni Sen. Manny Villar.

Sa halip na humarap sa senado ay patuloy niyang iniiwasan ang usapan uko sa report ng Senado tungkol sa C5 Extension Project. Sa natural report sinasabing nakinabang ang mga kompanya ni Villar sa ginawang pagbabago sa C5 extension.

Ayaw kong mag-akusa sapagkat baka sabihin na dirty tactics o political mudslinging ang gagawin ko.

Narito po ang isang INTERACTIVE MAP (click this link) tungkol sa ginawang C5 extension. Kayo na po ang magsabi kung totoo ito o hindi.

Nakakapagtaka ring makita na ang dulo ng C5 extension ay nakatutok sa Las Pinas dumpsite na tila ba nagsasabing basura ang proyektong ito. Hindi naman siguro gust ni Sen. Villar na tayong lahat ay maligo sa dagat ng basura.

Hindi rin lahat ng daan ay nadadaanan ng maganda.

Simple lamang ang panawagan ko at marahil ng marami pa nating kababayan... ANO ANG KATOTOHANAN? HARAPIN ANG AKUSASYON.

Tumatakbo si Manny Villar bilang presidente at karapatan ng mamamayang Filipino na malaman ang totoo.

Related News: The C5 Extension controversy: An interactive map


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: