Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, January 10, 2010

Si Nicanor Perlas at Si Uzumaki Naruto

Kung kilala mo si Uzumaki Naruto ay maaaring kilala mo na rin kahit papaano kung sino si Nicanor Perlas.



Sino ang magsasabi na magiging magaling si Naruto? Sino ang magsasabi na magigi siyang Hokage o matatalo niya ang malalakas na kalaban?


Si Naruto ay ipinanganak na kinatatakutan, kinamumuhian at pinagtatawanan ng lahat. Mababa ang tingin ng lahat sa kanya at sa paningin nila ay wala siyang mararating. Subalit lingid sa kanilang lahat may masidhing pagnanasa si Naruto na maging isang dakilang lider, mabago ang kanilang sistema at matulungan ang lahat.

Kahit anong hirap iisa ang nasa isip ni Naruto, kailangan niyang maging matatag at kailangan niyang manalo sa lahat ng bagay upang maabot ang kanyang pangarap hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang mga kaibigan at sa buong bayan.

Ang mundong ginagalawan ni Naruto ay mundo kung saan ang hidwaan, digmaan, patayan, kahirapan at iba't-iba pang problema ang nagdidikta ng galaw ng bawat tao. Para kay Naruto kayang baguhin ito hindi lamang niya kundi kung magkakaisa at magtutulong-tulong ang lahat.

Hindi hinangad ni Naruto na makilala ang tanging hinangad niya ay mapagtagumpayan ang lahat upang mabago ang sistemang kanyang ginagalawan.


Kung nanunuod ka ng Naruto at makikilala mo si Nicanor Perlas masasabi mo na parang si Perlas ang buhay na manipestasyon ni Naruto. Sa sariling bansa ay walang nakakakilala, marami ang tumutuligsa, ayaw maniwala at marami pang iba pero nananatiling malakas at nagpupunyagi hindi para lamang sa kanyang sarili kundi para sa lahat.

Isa siyang tao na hindi bumabagsak at hindi sumusuko sapagkat naniniwala siya na kailangan siya ng ating bayan at kailangan niyang ipakita sa ating lahat na kaya nating magbago... na kaya ng Filipino na marating ang pinakaaasam niyang pagbabago at bukas.

Higit sa isang lider na pinaniniwalaan at sikat sa lahat ay kailangan natin ng lider na matatag, hindi sumusuko at lubos ang pagmamahal sa bawat Filipino at sa ating bayan. Kung hindi ganitong lider ang uupo ay patuloy at patuloy na mananatili ang ating mga suliranin.

Ang susi ay katatagan, kaalaman, at paniniwala hindi lamang sa sarili kundi lalo't higit sa lahat sa kakayahan ng mamayang Filipino... isang paniniwala na hindi lamang mananatiling paniniwala kundi ibibigay sa tao ang kakayahang mabago ang buhay ng bawat isa at marating ang tunay na magandang bukas sa ating bansa.

Kailangan natin ng isang Uzumaki Naruto!

Kailangan natin ng isang Nicanor Perlas!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: