Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, January 12, 2010

Why Remove The Evening News (TEN) on TV 5?

Nagulat na lamang ako ng malaman na tatanggalin pala sa ere ang The Evening News (TEN) ng TV 5. Bakit? Sa totoo lang napakaganda ng format ng newscast na ito at very innovative at informative pa nga.

Mababa ba ang ratings nito? Anu ba talaga ang tunay na dahilan?

Sa pinakahuling tweet ni Martin Andanar ng TEN nasabi nya, "Enjoying the last few remaining days of _ _ _ !"  Samantala wala namang balita o kahit anong pahiwatig ang TEN Tweeter.

Naghanap ako sa Google ng balita kung bakit ito tatanggalin pero wala akong makita hanggang sa natisod ko ang isang sulat mula kay Paul Padua isang TENer/Citizen Journalist.

Sa sulat na inilagay din sa Presidenteko.com at may pamagat na "An Open Letter to Mr. Manny V. Pangilinan to keep TEN: The Evening News ON AIR" sinabi ni Paula ang mga dahilan kung bakit dapat manatili ang TEN sa ere.

TEN has a following and it is growing as seen on their facebook page which by the way, has more following already than other Philippine news programs on facebook. It has a following because never before in the history of broadcasting that a news program broke the orthodox way of delivering the news. TEN, for the first time in history, was the only one who thought of making the “inverted pyramid” in journalism stand as a “normal pyramid” and it worked! Backed up by the Semi-formal clothing of the anchors and the direct to the point opinions from not just the anchors but from the viewers as well, it has captured its target market. Now, other networks are following its format as the way “Failon Ngayon” is showing in ABS-CBN by allowing Anchorman Ted Failon to wear casual during his program.

Sang ayon ako sa lahat ng points ng sumulat ng Open Letter na ito at dapat nga magpasalamat tayo sa TEN sapagkat pinakita nila na mahalaga ang tao sa balita at importante ang kattotohanan at ang positibong balita.

Napakaganda ng kanilang format at sila lang ang nagpasimula ng ganitong klase ng newscast.  Maganda rin yung portion ni Lourd de Veyra na Word Of The Lourd, informative na nakakatuwa pa.  Ito rin ang kauna-unahang newscast na nagbigay ng pagpapahalaga sa mga bloggers.

Nananawagan ako sa lahat na supportahan natin ang Open Letter na ito at ganundin nananawagan ako kay G. Manny Pangilinan na baguhin ang kanilang desisyon.

Mabuhay ang The Evening News (TEN)! Saludo kami sa TEN at kay G. Martin Andanar!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: