Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, February 15, 2010

Gloria Arroyo, Susunod na Speaker of the House? Panahon na sa para sa Bagong Simula!

Lumabas na ang matagal na itinatago ng Lakas-Kampi CMD na itataguyod nila si Panguylong Gloria Macapagal-Arroyo bilang susunod na Speaker ng Mababang Kapulungan at di maglalaon ay bilang Prime Minister ng Pilipinas.

Sa pagkakataong ito nararapat lamang na magkaisa na tayo upang ipanawagan ang isang bagong simula para sa ating bansa. Huwag nating payagan na magpatuloy ang kasakiman sa puwesto ni Pangulong Arroyo! Wakasan na natin ito at lumikha ng bagong simula!

Tunay nga na panahon na ng isang rebolusyong Maharlika upang simulan ang tunay na kalayaan para sa ating bayan. Mangyayari lamang ito kung iboboto natin at susuportahan ang isang lider na naniniwala sa isang bagong simula para sa ating bayan. Mangyayari lamang ito kung iboboto natin ang isang lider na tunay na nagmamalasakit sa ating bayan at hindi sakim at uhaw sa kapangyarihan.

Sa lahat ng tumatakbo sa pagka-Pangulo sa 2010 isa lang ang nakikitang ko karapat-dapat mamuno tungo sa pagbabagong simula ng ating bayan at ito ay si Nicanor "Nick" Perlas.

Si Nicanor Perlas ay hindi siya miyembro ng partido ni Gng. Arroyo at hindi siya magiging behikulo upang maisakatuparan ang maitin ma balak na ito.

Si Nicanor Perlas ay walang malaking bagahe sa kanyang sarili. Maliwanag ang kanyang mga posisyon ukol kay Pangulong Arroyo at maliwanag na hindi niya papayagan na magpatuloy ito sa kapangyarihan o magamit ang kanyang pamahalaan para rito.

Si Nicanor Perlas ay may sariling desisyon at bago pa lamang tumakbo ay may plataporma na para sa ating bayan. Simula pa lamang ay ipinahayag na niya ang kasamaang ibinunga ng pamahalaang Arroyo sa ating bayan.

Huwag nating hayaan na manalo ang mga kandidatong gagamitin lamang ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Huwag tayong padala sa mga magaganda nilang salita at pambobola. Huwag tayong padala sa mga walang laman na patalastas.

Ang magpapanalo sa isang kandidato ay tayo at ang ating boto sa Mayo 10, 2010!

Nicanor Perlas for President! Nicanor Perlas New President 2010!

Mga website na puwede ninyong puntahan:

1. Nicanor Perlas Official Website
2. Nicanor Perlas Official Facebook Page
3. KaPERLAS (Official Website Partido ng Marangal na Sambayanan - PANGMASA)



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: