Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, February 22, 2010

Handog Ng Pilipino Sa Mundo TV Ad on 1986

Narito po ang orihinal na video ng Handog Ng Pilipino sa Mundo na ipinalabas sa telebisyon sa lahat ng sulok ng bansa ilang buwan matapos ang EDSA Revolution ng 1986. Niliha ni director Mike De Leon.

Nakaka inis isipin na hindi ito nagtagal sa TV sapagka't ipina censor ng noo'y MTRB Chairman na si Manoling Morato ang video dahil di umano sa pagpapakita ng pagtapak sa mga larawan ng mukha ng mga Marcos. Para sa akin isa itong malaking kalokohan.

Muling panoorin ang video sa ibaba na sigurado kong makakapagpaluha sa bawa't isa.




Handog Ng Pilipino Sa Mundo


Handog Ng Pilipino Sa Mundo Lyrics

'Di na 'ko papayag mawala ka muli.
'Di na 'ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
'Di na papayagang mabawi muli.

Magkakapit-bisig libo-libong tao.
Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kelan man 'di na paalipin.

Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat.

Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.

Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito'y lagi nating tatandaan.
(repeat refrain two times)

Coda:
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan.
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat!

Muli nating ibangon ang tunay na Diwa ng EDSA sa 2010... Tara na kaibigan.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: