Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, February 23, 2010

Magkano ang Infomercial sa TV? (The cost of a TV Campaign Ad)

Magkano nga ba ang isang campaign ad sa telebisyon? Magkano ang isang infomercial?

Marami ang nagsasabi sa akin na bakit daw wala pang advertisement sa telebisyon ang aking napupusuang kandidato? Simple lamang naman ang sagot ko sa kanila. Hindi kaya ng aking kandidato na magbayad ng 400,000 pesos kada 30-segundo na TV ad.


Tama po ang inyong nabasa ang isang 30-segundo na TV advertisement ng isang kandidato ay nagkakahalaga ng mahigit kumulang 400,000 pesos kung primetime. Kung gusto naman ninyong ilagay ito sa mga pang-umagang programa ay gagastos kayo ng 90,000 pesos kada-30 segundo.

Kung ganito ito kamahal isipin mo na lang kung ang isang kandidato ay lalabas ng 20 beses sa isang araw sa loob ng 90 days na kampanya. Ang kabuuang magagastos niya ay 720 milyong piso. Sobra ito ng 220 milyong piso sa itinakdang budget ng COMELEC sa bawat botante na sampung piso kada botante.

Subalit may mga kandidatong bago pa mag eleksyon ay may komersyal na kaya tiyak mas malaki rin ang ginastos nila.

May mga ibang istasyon naman na mas mura at sumisingil ng mga P40,000 - P50,000 kada 30-segundo. Mayroon ding iba na hindi lang sa TV naglalagay ng ads kundi maging sa mga social networking tulad ng Facebook. Mayroon ding may commercial maging sa Google Ads, o sa bus at marami pang iba.

Alam nyo ba kung magkano ang sweldo ng Presidente?

Ang Presidente ng Pilipinas ay tumatanggap ng Php60,000.00 kada buwan o katumbas ng USD1,333.33. Ito lamang ang sweldo ng Pangulo pero bakit milyon-milyon ang ginagastos para makuha ang posisyong ito?

Simple lamang ang sagot ng lahat sa kanila... gusto nilang maglingkod sa bayan. Ows hindi nga? Baka naman stir lang?

Magtaka kayo kung halos walang habas gumastos ang isang kandidato para sa isang posisyon sabihin man nila na hindi nila ito babawiin huwag na kayong maniwala. Hindi dapat mahal maging Pangulo lalo pa at ang perang ginagastos ay dapat sana naitulong na para mas maiangat ang mga mahihirap sa ating bayan.

So ano pangit pa ba pag walang infomercial? Palagay mo ba dapat na gumastos ng 400,000 pesos para lamang sa isang 30-segundo na ad? Kayo na po ang bahala.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: